Tungkol sa Akin

Aking larawan
Nueva Vizcaya, Region 2, Philippines
Maging bahagi sa pagpapaunlad ng wikang kinagisnan. Magbahagi ng iyong mga kaalaman sa anumang disiplina. Para sa atin ito!

Biyernes, Nobyembre 8, 2013

Tula

For Sale
rcgauuan


Hala, sige!

Tignan mo muna,
kahit titigan mo pa
hanggang mangulaba ang ‘yong mga mata.

kahit hawakan mo
pisilin kung gusto
ng dalawang kamay mo.

kung nais ay amuyin pa
kahit barat na
‘pag tumawad ka

Ibibigay ko sana
ang nis mo, mama,
kusang loob pa

Tandaan lang basta
Na ‘di naman talaga
Ako ang paninda!

Sige, hala!



**Tulang sinulat para sa paligsahang sa pagsulat ng tula (1998) sa Villa Margarita.  Ngunit ibang tula ang sinulat sanhi ng pagpapalit ng paksa sa paligsahan.  Sa halip, ang tulang “Villa Margarita:  Tapunan ng Lingap” ang isinumite sa paligsahan; na siyang nagwagi ng ikatlong gantimpala.

Gabay sa Pag-unawa:
Tunghayan ang hugis ng tula bago basahin para sa lalong ikauunawa rito.  Anong hugis ang makikita?  Bakit “for sale” ang pamagat?  Ano ang paninda? 
Tunghayan din ang ang unang linya at huling linya ng tula.  Bakit ito naisulat nang pagayon?
Ano ang kaugnayan ng paksa ng tula sa hugis na makikita dahil sa pagkakasulat nito?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento