Tungkol sa Akin

Aking larawan
Nueva Vizcaya, Region 2, Philippines
Maging bahagi sa pagpapaunlad ng wikang kinagisnan. Magbahagi ng iyong mga kaalaman sa anumang disiplina. Para sa atin ito!

Biyernes, Nobyembre 8, 2013

Fil 2 aralin 1

Ang aralin ay mula sa mga pinagsama- samang ideya sa iba’t ibang aklat at babasahin sa internet.  Hindi nais ariin ng blogger ang mga kaalamang nakasaad dito.  Pahintulot ang hinihingi ng blogger para sa mga awtor at may akda na hindi nabanggit dito.  Higit sa lahat, walang intension na gamitin ng blogger ang mga kaalamang narito upang ilagay sa kahihiyan ang mga sumulat nito.

ARALIN 1:  WIKA
    Kahulugan
        Ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinagsama- sama sa paraang arbitraryo.
        Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas at sa pamamagitan nito         ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao.
        Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa   pamamagitan ng dalawang paraang pasalita at pasulat .

     Mga terminong pangwika
Linggwistika - agham ng wika
            Dalubwika - taong dalubhasa sa wika
            Polyglot - taong marunong magsalita ng maraming wika
            Bilinggwal – taong marunong magsalita ng dalawang magkaibang wika

    Kalikasan ng Wika
     a. Pinagsama-samang tunog (combination of words) binigyan ng simbolo (letra) ang mga tunog, ang             pinagsama-samang ito ay lumikha ng mga salita.
     b. May dalang kahulugan bawat salita ay may dalang kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung     ginagamit na sa pangungusap.
     c. May grammatical structure       
            Ponolohiya -  pagsasama ng mga tunog upang bumuo ng mga salita
            Sintaks        -  pagsasama-sam ng mga salita upang bumuo ng pangungusap
            Pragmatiks -  pagsasama-nagpapaliwanag sa pagkakasunud-sunod ng pangungusap, sa                                                   partsipasyon sa isang konbersasyon, at sa partisipasyon ng mga impormasyon na                                     kailangan ng tagapagsalita.
    d. Sistemang oral-awral   pasalita (oral ); pakikinig (awral )
            Dalawang mahalagang organo (bibig at Tainga) na nagbibigay hugis sa mga tunog na napakinggan

        e. Pagkawala o extinksyon ng wika. Ang wika ay maaaring mawala kapag di nagagamit o wala nang                                  gumagamit
         f. Iba-iba, diversified, indigenous
                        Dahil sa iba’t ibang kultura ang pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba-            iba sa lahat ng                         panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat             napakaraming minoryang                              grupo ang mga lahi o lipi.

   Katangian ng Wika
            a. Dinamiko/buhay.  Patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad
            b. May lebel o antas
            c. Ang wika ay komunikasyon
                        Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap, walang pangungusap kung walang salita. Sa                                  pagsasama-sama ng mga salita nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang                           bahagi ng pananalita
            d. Ang wika ay malikhain at natatangi.  Bawat wika ay may kaibhan sa ibang wika
            e. Ang wika at kultura ay magkabuhol at di maaaring paghiwalayin may kultura ba kung walang                                    wika, may wika ba kung walang kultura
            f. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina/ propesyon.
                        Bawat propesyon o disiplina ay may  wikang ginagamit


     Debelopment ng Wika
Limang libong salita (5,000) bawat taon o labintatlong salita bawat araw ang natutunan ng isang bata ayon kina George A. Miller at Patricia M. Gildea.

Mula sa Holophrastic stage o one-word utterances, pagbigkas ng isang salita hanggang sa two-word utterances , pagbigkas ng dalawang salita patungo sa telegraphic stage hanggang sa makadebelop ng mga function words o salita, hanggang sa” rule formation”

Sa semantikong proseso, sa ponolohiya at pagsasatinig ng mga salita, lumilikha ang mga bata ng mga salita na nagiging kagamitan niya sa pagpapahayag.

Narito ang mga hakbang sa pagsasalita ayon kay Jean Aitchison:
       Hakbang sa pagsasalita panimulang edad o gulang
            Pag-iyak                                  kapanganakan
            Cooing                                    6 na lingo
            Babbling                                  6 na buwan
            Intonasyon                               8 buwan
            Isang salita                              1 taon
            Dalawang salita                      18 buwan
            Word inflections                    2 taon
            Tanong / negatibo                  2 taon at 3 buwan
            Complex construction             5 taon
            Mature na salita                     10 taon

*Cooing - parang nagsasabi ng ‘goo goo’ ang bata pag inoobserbahan. Parang tila patinig ngunit di tulad g garantisadong patinig ng mga matatanda. Habang ikinikilos ng mga bata ang kanyang kamay at paa ay umuusal ng tunog,

*babbling- pag-usal ng ilang pantig ng magkahalong patinig at katinig. Hal. papapa…mamama


  Siyam na ideya ni Harvey Daniels sa Wika na tinanggap ng mga dalubhasa sa wika:

1. Natututunan ng bata ang kaniyang wika nang mabilis at episyente kahit walang nagtuturo.
2. May mga “set of rules” o sistema ang wika
3. May 3 mahahalagang omponent ito: tunog, bokabularyo, at gramatika
            Tunog ang unang hakbang, pagkatapos ay salita, hanggang sa tamang gramatika.            Ang             bokabularyo o leksikon nito ang kanyang imbakan ng mga salita.
4. Lahat ng tao, may deyalekto
5. Maraming istilo o jargon ang mga tagapagsalita.
            Limang istilo ng tagapagsalita na denebelop ni Martin Joas
                        a. intimate - sa pagitan ng mag-asawa o magsing-irog
                        b. kaswal- sa pagitan ng mga grupong nagkakaintidihan
                        c. pormal- sa mga panayam o lektyur
                        d. prosen- reserbado para sa mga limbagan at literature
                        e. konsoltatib- humahantong sa pagsasanib ng kaalamang ginagamit sa lahat ng uri ng                                       transaksyon o kalakalan

6. Ang pagbabago ng wika ay normal.
7. Ang wika ay may relasyon sa mga lipunan at indibidwal na gumagamit nito
            Ang wika ay nahuhulma o lumilitaw dala ng pangangailangan ng lipunang            nagsasalita nito.
8. May value judgment / pagpapahalaga o panlasa para sa iba’t ibang wika.

9. Sumulpot ang pagsulat nang dahil sa wika

1 komento: