Tungkol sa Akin

Aking larawan
Nueva Vizcaya, Region 2, Philippines
Maging bahagi sa pagpapaunlad ng wikang kinagisnan. Magbahagi ng iyong mga kaalaman sa anumang disiplina. Para sa atin ito!

Biyernes, Nobyembre 8, 2013

Linggwistika

Ang aralin ay mula sa mga pinagsama- samang ideya sa iba’t ibang aklat at babasahin sa internet.  Hindi nais ariin ng blogger ang mga kaalamang nakasaad dito.  Pahintulot ang hinihingi ng blogger para sa mga awtor at may akda na hindi nabanggit dito.  Higit sa lahat, walang intension na gamitin ng blogger ang mga kaalamang narito upang ilagay sa kahihiyan ang mga sumulat nito.

Wikang Filipino
Wikang Filipino
Ginagamit sa:
Mga bansang may mahigit sa 1 milyong manananalita: Pilipinas at Estados Unidos
Mga bansang may mahigit sa 100 libong mananalita: Arabyang Saudi, Australya, Hapon, Italya, Kanada, Malasya, Mga Pinag-isang Arabong Emirado, Singgapur, at Tsina (lalo na ang Hong Kong)
Kabuoang-bilang ng mga nagwiwika:
Unang wika: Tingnan ang Tagalog
Ikalawang wika: mahigit sa 60 milyon
Kalahatan: 90 milyon[1] 
51 (kasama ang iba pang mga kahalawang Tagalog)
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika sa:
Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Inggles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito.




 Pagsilang at layunin
Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang bangka patungong Europa.

Kasaysayan at sariling katangian
Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:
a.    Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.

b. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
                      Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak      (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa             Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.

c. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
                     Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa         kasaysayan ng Pilipinas.

Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon[4] ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.

Mga naiibang pananaw at panukala
Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog.


Ang cuneiform ang isa sa mga nalalamang sinaunang anyo ng nakasulat ng wika.
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

 
220px-Cuneiform_script2

Etimolohiya
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Mga anyo ng wika
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.

Kasaysayan at teoriya
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.

Mga katangian
Ito ang mga karaniwang katangian ng wika:
a. may balangkas
b. binubuo ng makahulugang tunog;
c. pinipili at isinasa-ayos;
d. arbitraryo;
e. nakabatay sa kultura;
f. ginagamit;
g. kagila-gilagas;
h. makapangyarihan
i. may antas;
j. may pulitika;
k. at ginagamit araw-araw.

Mga Antas ng Wika Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
a. ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-                     usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
b. ginagamit na salitang may "Taglish"
c. ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
d. wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
                *salitang kalye -  pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa                                  kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling                                   pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang
                *Kolokyal/pambansa -  wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Mga kagamitan
a. Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.
b. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
c. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

Kategorya ng paggamit ng wika
Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at inpormal o di-pormal.
a. Pormal
Ang Pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
                                *Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o                                   pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
                                *Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan,                                                               karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.


b. Impormal o di-pormal
                Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-           araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri                nito:
                *Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan                                 lamang.
                                Halimbawa:       Papanaw ka na? (aalis ka na?)
                                                                Nakain ka na? (kumain ka na?)
                *Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang          nabuklat sa lansangan.

                *Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa,            dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Ugat ng Wika
May mga bagay sa mundo na hindi na pinoproblema at iniisip pa ng mga tao. Gaya ng kung bakit bughaw ang ulap, kung bakit matamis ang asukal, kung sino ba ang nagpauso ng pagsusuot ng pustiso at kung anu-ano pa. Kadalasan, mapapaisip lamang tayo kapag may nagtanong na sa atin. Tulad ng nangyari ngayon. Naatasan kami na magsulat tungkol sa pinagmulan ng wika. Napaisip tuloy ako ng lubusan noong ibinigay ang gawaing ito. Saan nga ba nanggaling ang wika? Sino ba ang nagpasimula nito?

Ayon sa aking pagsasaliksik sa internet, mayroong dalawang teorya tungkol sa pinagmulan ng kakayanan ng mga tao na makapagsalita. Ang una ay ang paniniwala sa sinasabi ng Bibliya na ang wika ay isang regalo mula sa Diyos. Na simula pa lang ng ipinanganak ang tao, may natural na itong kapasidad na gumamit ng wika. May punto naman ang nakasaad dito dahil tao lang naman talaga ang ipinanganak na may kapasidad upang magsalita dahil kahit ilang milyong taon mo pa turuan magsalita ang aso hindi talaga magsasalita yun. Ang ikalawa namang palagay ay ang paniniwala na ang wika ay nagsimula noong panahon na nag e-"evolve" ang tao at nagkaroon ng pagkakataon na malinang ang utak nito at natuto silang magsalita. Para na ring sinabi nitong teorya na ito na isang araw makakapag-salita na din ang mga kabayo at makakasalamuha natin sa araw-araw.

Mayroon ding mga teorya tungkol sa pagkakagawa ng wika bukod sa mga teorya tungkol sa pinagmulan ng kapasidad ng tao sa pagsasalita.

Ang "Ta-ta Theory" ni Charles Darwin ay nagsasabi na ang wika ay nagsimula sa pag-gaya ng tao sa galaw ng katawan sa pamamagitan ng pag-likha ng mga tunog gamit ang bibig. Kumbaga noong unang panahon daw ang mga tao na nangangaso ay nag sesenyasan lamang. Ngunit dahil nagkaroon na sila ng madaming kagamitan ay nahirapan na silang sumenyas kaya sila ay gumawa ng mga tunog na nagpapahiwatig ng gusto nilang sabihin sa kanilang ka-tribo. Siguro dito pwede natin isunod ang teorya na nagsasabi na ang wika ay nagmula sa pang-gagaya ng mga tao sa mga naririnig nitong mga tunog. Nakakatawang isipin, halimbawa ang mga kababaihan ay manghuhuli ng palaka. Isang sosyal na babae ang nakakita sa pugad ng mga palaka, ngunit sa kadahilanang takot ito sa palaka ay sumigaw na lang siya ng Ribbit! Ribbit! Isang ordinaryong babae naman ang nakarinig sa sigaw kaya tinawag niya ang kanyang mga kasamahan para puntahan ito kaya siya ay sumigaw na Kokak! Kokak! at nagdadagsaan na ang ibang mga babae para humuli ng mga palaka.

"Bow-wow Theory" ang teorya na tinutukoy ko sa nabanggit kong pag-gaya sa tunog mula sa kalikasan. Ang sabi sa teoryang ito, nagmula ang wika sa panggagaya ng mga tao sa mga tunog na naririnig nito katulad ng tunog ng aso; arf-arf (kung ikaw ay pa-sosyal), wu-wu, (kung ikaw ay Instik), tunog ng manok; cockadoodle-doo (kung ikaw ay may imported na manok), Tiktila-ok (kung taga kalye lang ang manok mo). Kung iisipin natin, di ba't magkakatunog lang naman talaga ang mga hayop na ito, pero bakit iba-iba ang mga salitang ginagamit ng tao? Hindi ba dapat pare-pareho lang sila kung dito talaga nagsimula ang pagkaimbento ng wika?

Mayroon din tinatawag na "Pooh-pooh Theory" kung saan sinasabi na ang wika ay nagsimula sa pag-lalahad ng mga tao sa kanilang nararamdaman. Halimbawa kapag kinurot ka ng iyong guro sa singit ikaw ay sisigaw ng Aray!!!, o kaya naman kung maarte ka ay sisigaw ka ng Ouch!!! Isa pang halimbawa ay kung nakakaramdam ka ng kalungkutan. Kung ikaw ay isang Kano, sigh ang maririnig sa iyo, kung ikaw ay Pinoy malamang hay....
naman ang maririnig sayo.

Sa kasalukuyan hindi pa rin maipaliwanag ng mga siyentipiko, mga matematiko at mga linggwistiko ang tunay na ugat ng wika. Kahit ako naguguluhan din at nagtataka. Siguro nga hindi lahat ng bagay sa mundo ay kayang maipaliwanag ng tao. Nakakatuwang isipin dahil dito nagiging lalong misteryoso ang mundong ginagalawan natin.


Baryasyon ng Wika
1. Dayalek/ Dayalekto :  pagkakaiba – iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.
                                            : wikang sinasalita ng isang neyographical.

                                Hal: Pakiurong ng po ang plato (Bulacan – hugasan)
                                        Pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)

2. Idyolek:  nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga tao. ( uri ng                                   wikang ginagamit at iba pa)
                : Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.
                                   Hal:       Tagalog – Bakit?
                                                   Batangas – Bakit ga?
                                                   Bataan – bakit ah?



3. Sosyolek : baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang                                                      kinabibilangan.
                  : may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita
4. Creole: Ang  Chavacano ay creole. Hindi ito kabilang sa angkan ng Austronesian. Ito’y mula sa Spanish na ginamit din sa Pilipinas. Ang Chavacano ay ginagamit sa Zamboanga, Basilan, Cavite, Ternate, at Ermita (Manila).




THE LANGUAGES OF THE PHILIPPINES
Jessie Grace U. Rubrico
There are over a hundred native languages in the Philippines. Except for Chavacano, all of them belong to the Malayo-polynesian subgroup of the Austronesian family of languages. Chinese -Mandarin and Fookein, as well as Spanish are also used by some sectors of Philippine society. English is one of the country’s official languages, Filipino is the other official language. 
Eight languages with the most number of native speakers are considered major languages. These are Cebuano, Tagalog, Ilokano, Bikol, Hiligaynon, Waray, Kapampangan, and Pangasinense. Ilokano and Tagalog are the lingua franca in Luzon; and Cebuano in the Visayas and Mindanao. Filipino is the national lingua franca. 
Philippine languages may be classified into six subgroups: Northern Philippines, Southern Philippines, Meso-Philippines, Southern Mindanao, Sama-Bajaw, and Celebes Sangir.
 
  I. THE NORTHERN PHILIPPINES GROUP.
This is divided into two subgroups: Northern Luzon and Bashic -Central Luzon-Northern Mindoro. The Northern Luzon subgroup is composed of Southern Cordilleran, Ilokano, and South-Central Cordilleran; The second subgroup is composed of Bashic, Central Luzon, and Norhtern Minodoro languages. This is diagrammed below: 
diag1s
Table 1 Classification of the Northern Luzon Subgroup (NP 1)


1. Northern Cordilleran --(a) Ibanagic ~ Adasen, Atta, Ibanag, Itawis, Yogad, Gaddang, Ga’dang, Isneg; (b) Arta ; (c) Dumagat ~ Kasiguranin, Paranan/Palanenyo, Agta --Alabat Island, Manide, Casiguran , Central Cagayan, Dicamay , Dupaninan, Umirey, Edimala, Pugot.
2. Ilokano
3. South-Central Cordilleran: (a) Southern Cordilleran ~ Inibaloi, Iwaak, Kallahan (Kayapa, Keley-i, Tinoc), Karaw; Pangasinan; Ilongot/Bugkalot; (b) Central Cordilleran ~ Itneg --Tingguian, Inlaod, Masadiit, Luba Tiempo; Kalinga --Butbut, Limos, Lower Tanudan, Lubuagan, Kal-uwan, Madukayang, Sumadel-Tinglayan, Upper Tanudan; Isinai; Nuclear Cordilleran ~ Balangao, Bontoc, (Igorot, Kadaklan-Barlig), Kankanay (Sagada Igorot, Northern Benguet); Ifugao -- Amganad, Batad, Mayoyao, Kiangan. 
Table 2 The Bashic-Central Luzon-Northern Mindoro Subroup (NP 2)

1 Bashic: Ibatan.
2. Central Luzon: (a) Sinauna; (b) Sambalic --Ayta (Abenlen, Ambala, Bataan Sambal, Mag-anchi Sambal, Mag-indi/Baloga, Bolinao Sambal, Botolan Sambal, Tina Sambal); (c) Kapampangan
3. Northern Mindoro: Alangan, Iraya, Tadyawan 
II. SOUTHERN PHILIPPINES GROUP
Twenty-three languages comprise this group. Subanon, Manobo, and Danao are its major divisions. 
diag2s
Diagram 2 Southern Philippines Language Group
III. MESO PHILIPPINES 
This group has four subgroups, namely: Southern Mangyan, Kalamian, Palawan, and Central Philippines which in turn is subdivided into Tagalog, Bikol, Mansaka, Mamanwa, and Bisaya. There are five Bisaya subgroups --Southern, Cebuan, Central, Banton, and Western. 
diag3s
Diagram 3. The Meso-Philippines Group
This Group includes (1) South Mangyan: Batangan/Buhid, Tawbuid (Eastern), Tawbuid (Western), Hanunoo; (2) Kalamian: Agutaynen, Kalamianen, Tagbanwa; (3) Palawan: Batak, Molbog, Palaweño, Tagbanwa; (4) Central Philippines -- (a) Tagalog; (b) Bikol - Agta (Isarog, Iraya, Iriga), Naga, Virac, Albay, Rinconada, Pandan; (c) Mansakan -- Davawenyo, Kalagan, Tagakaulo, Kamayo, Isamal, Caraga, Mansaka, Cataeleño (d) Mamanwa; at (e) Bisaya.
diag4s
Diagram 4. The Bisaya Languages.
The languages in this group are: : Aklanon, Calayunen, Cuyonon, Malaynon, Kinaray-a, Ratagnon; Looknon, Ati, Romblomanon, Sorsogon Gubat, Sorsogon Bicol, Waray; Capiznon, Hiligaynon, Masbatenyo, Porohanon; Surigaonon, Butuanon, Tausug; Cebuano; Bantoanon; Mabinay Ata, Negros Oriental, Ayta (Sorsogon), Ayta (Tayabas), Karolanos (gitnang Negros), Magahat (Southwestern Negros), and Sulod (Tapaz, Capiz).

IV. SOUTH MINDANAO. The following are the languages in this Group Blaan Koronadal, Sarangani                                  Blaan, Tboli; Tiruray, Bagobo ~ Giangan.
V SAMA-BADJAW. The seven languages in this group are classified into (a) Abaknon; (b) Yakan; and                  (c) Sulu-Borneo which includes Jama Mapun, Pangutaran Sama, Sama Balangingi,                       Siasi Sama, Sibutu.
VI CELEBES SANGIR. is spoken in Balut and Sarangani Islands.. 
        *CREOLE. Chavacano is a creole. It does not belong to the Austronesian family of languages. Its lexicon is Spanish bur its syntax is similar to that of other Philippine languages. Chavacano is spoken in Zamboanga, Basilan, Cavite, Ternate, and Ermita (Manila).
Maguindanao, Tausug, Maranao, and Ibanag complete the first dozen of Philippine languages with the most number of speakers. Four Philippine languages are listed by the Summer Institute of Linguistics (SIL) in the "Top 100 languages by Population" --Tagalog (number 57), Cebuano (# 61), Ilokano (# 91), and Hiligaynon (#100).
It is also worthwhile noting that some of these languages now are on their way to extinction: Agta (Alabat Island, Camarines Norte, Iraya); Northern Alta (Baler Negrito, Ditaylan Alta, Ditaylin Dumagat); Arta (of Aglipay and Nagtipunan in Quirino Province); Ata (Mabinay, Negros Oriental); Ayta (Sorsogon, Tayabas); Batak (Babuyan, Tinitianes, Palawan Batak); Katabaga (Bondoc Peninsula). 

 
References:
Chretien, Douglas. 1962. A classification of twenty-one Philippine languages.Philippine Journal of
     Science, 91: 485 - 506.
Comrie, Bernard (ed). 1987. The World’s Major Languages. Sydney: Croom Helm.
Dyen, Isidore. 1971. The Austronesian languages and Proto-Austronesian. In Thomas Sebeok (ed)
    Current Trends in Linguistics, Vol. 8, Part 1: Linguistics in Oceania..
____________. 1965. A lexicostatistical classification of the Austronesian languages. International
     Journal of American Linguistics, Memoir 19.
Grimes, Barbara F (ed). 1996. Ethnologue: Languages of the World, 13th edition. 
    Dallas, Texas: Summer Institute of Linguistics.
Llamzon, Teodoro; S.J. 1978. Handbook of Philippine Language Groups.
    Quezon City Ateneo de Manila Press.
McFarland, Curtis D. 1966. Subgroupings and number of Philippine languages or How many 
    Philippine languages are there? In Maria Lourdes S. Bautista (ed) Readings in
    Philippines Sociolinguistics. Manila: De La Salle University Press.
Ruhlen, Merritt. 1987. A Guisde to the World’s Languages (Volume 1: Classification).
     California: Standford University Press.
Thomas, David and Allan Healy. 1962. Some Philippine language subgroupings and reconstruction.
     A lexicostatistical study. Anthropological Linguistics, 4 (1) : 21-33.
Zorc, David Paul R. 1975. The Bisayan dialect of the Philippine subgroupings and reconstruction.
     Dissertatio (Ph.D), Cornell University. Published in 1977, Canberra: The Australian
     NationalUniversity). 


Gawain 1:  Pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas.

Tala ng mga wika ng Pilipinas:  Mayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 dito ay nanatiling gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na.

A. Mga Buhay na Wika sa Pilipinas
Ang mga sumusunod ang 175 wika sa Pilipinas:



Iranon probinsiya ng Shariff Kabunsuan, Maguindanao, Lanao Del sur at parte ng Zamboanga[pananangguni'y kailangan]

Buhay na wika…      




Mga Patay na wika








MGA WIKA AT DYALEKTO SA PILIPINAS
1.   AGTA, Alabat Island Silangang Lalawigan                             ng Quezon,  (Alabat Island umagat)  Luzon  
2.   AGTA, Camarines Norte    Luzon, Santa                        Elena at Labo,  (Manide, Agiyan)                      Camarines Norte
  3.   AGTA, Sentral Cagayan    Hilagang             Silangan ng Luzon
        (Central Cagayan Dumagat)
  4.   AGTA, Dicamay Luzon, Isabela (malapit             sa         Jones) (Dicamay Dumagat)
  5.   AGTA, Silangang Cagayan    Hilagang             Silangang Luzon, Timog Davilacan             Bay at Palaui Island sa Hilaga
  6.   AGTA, Isarog    Mt. Isarog, Silangang             Lunsod ng Naga, Lalawigan ng Bikol;             Luzon
  7.   AGTA, Kabuluwen    Lalawigan ng             Quezon; Luzon (Ditayun Alta, Ditayun             Dumagat)
  8.   AGTA, Mt. Iraya    Silangang Lake Buhi,             Lalawigan ng (Inagta ng Mt. Iraya,             Rugnot ng    Bikol; Luzon Silangang             Lake Buhi, Itbeg Rugnot)       
 

  9.   AGTA, Mt. Iriga    Silangang Lunsod ng             Iriga, (San Ramon Inagta, Kanlurang                Kanlurang Lake Buhi, Mga Lake Buhi,             Mt. Iriga Negrito)    Lalawigan ng             Bikol; Luzon
10.  AGTA, Remotado    Luzon; Santa Inez,             Lalawigan ng (Hatang-Kayey)    Rizal             Paimouhan, Gen. Nakar, Quezon
11.   AGTA, Villaviciosa    Luzon, Lalawigan             ng        Abra
12.   AGUTAYNON    Hilagang mga   lalawigan             ng Cuyo,  Palawan
13.   AKLANON    Lalawigan ng Aklan,             pahilagang (Aklan, Panay)    Panay
14.   ALANGAN    Hilagang Sentral ng             Mindoro
15.   AMBALA    Luzon; Lalawigan ng             Bataan
16.   ATA    Mabinay, Negros Oriental
17.   ATI    Pulo ng Panay, Maliit na pangkat sa
            lahat ng lalawigan
18.   ATTA, Faire    Malapit sa Faire, Rizal,             Lalawigan
19.   AYTA, Mariveles Mariveles, Bataan;             Luzon (Katimugang Alta) Cagayan





20.   ATTA, Pamplona Hilagang Kanluranin ng             Lalawigan (Kahilagaang Cagayan             Negrito)    ng Cagayan; Luzon
            21.   ATTA, Pudtol    Pudtol, Kalinga-Apayao; Luzon
22.   AYTA, Tayabas    Tayabas, Quezon;             Luzon
23.   BAGOBO    Lunsod ng Davao,             Mindanao;   (Jangan, Giangan, Gvanga             Silangang Dahilig ng Mt. Apo,
             Gulanga)    Davao del Sur
24.   BALANGAO    Silanganing Lalawigan             Bontoc; (Balangao Bontoc, Gulanga)                Luzon
25.   BALOGA    Floridablanca, Pampanga;             Luzon
26.  BANTUANON    Banton, Simara, Maestro             de Ocampo (Banton, Odionganon,    at             mga pulo ng Tablas, Romblon,
             Sibalenhon)    sa pagitan ng Masbate at             Mindoro
27.   BATAGNON    Dulong Katimugan ng             Mindoro
28.   BATAK    Palawan (Babuyan, Tinitianes,
          Palawan Batak)
29.   BIKOLANO, Albay    Kanluraning             Lalawigan Albay at Buhi, Camarines             Sur; Luzon
30.   BIKOLANO, Central Katimugang             Catanduanes,  (Bicol)    Kahilagaang             Sorsogon, Albay, Camarines Norte at             Sur; Luzon
31.   BIKOLANO, Iriga Lunsod ng Iriga, Baao,             Nabua, (Riconada, Bicolano)    Bato,             Camarines Sur; Luzon
32.   BIKOLANO, Kahilagaang Luzon;             Kahilagaang Catanduanes,
            Catanduanes    Silangang Bicol
33.   BIKOLANO, Katimugang Luzon;             Katimugang Silangang Bikol
            Catanduanes
34.   BINUKID    Hilagang Sentral Mindanao, 
            (Binukid Manobo)    Katimugang             Bukidnon, hilagang silangang Cotabato,             Agusan del Sur
35.   BLAAN, Koronadala Lalawigan ng             Timog Cotabato, (Koronadal Bilaan,             Bilanes,    Mindoro Biraan, Baraan,             Tagalgad)
36.   BLAAN, Saranggani    Lalawigan sa             Timog Cotabato, (Bilaan, Balud,             Tumanao)    Saranggani Peninsula;             Mindanao
37.   BOLINAO    Lalawigan sa Kanlurang
   (Bolinao Sambal, Bolinao    Pangasinan;             Luzon Zambal)
38.  BONTOC, Sentral Bulubunduking             Lalawigang Sentral;  (Igorot)    Luzon
39.  BONTOC, Silanganin Bulubunduking             Lalawigang Sentral; (Katimugang             Bontoc,    Luzon Kadaklan-Barlig             Bontoc)
40.  BUHID    Katimugang Mindoro
         (Bukil, Bangon)
41.  BUTUANON Lunsod ng Butuan,             Mindanao
42.  CALUYANUN Mga pulo ng Caluyan,             Antique (Caluynanen, Caluyanyon)
43.  CAPIZNON Hilagang-Silanganing Panay
         (Capisano, Capiseno)
44.  CEBUANO    Negros, Cebu, Bohol             Visayas at mga (Sugbuhanon,             Mindanao    bahagi ng Mindanao
            Visayan, Visayan, Sebuano)
45.  CHAVACANO Naninirahang Kastilang             Creole sa (Zamboangeño, Chabakano)             Mindanao
46.  CUYONON Baybaying dagat ng Palawan,             mga (Cuyono, Cuyunon, Cuyo,    pulo             ng Cuyo a pagitan ng Palawan
             Kuyunon)    at Panay
47.  DAVAWENO    Batayang Kastilang             Creole sa (Matino, Davaono)                Mindanao
48.  DAVAWENO ZAMBOANGENO Davao             Oriental, Davao del Sur, Mindanao
49.  DUMAGAT, Casiguran Baybaying dagat             Silangan ng Luzon;
            (Casiguran Agta)    hilagang lalawigan             ng Quezon
50.  DUMAGAT, Umiray    Lalawigan ng             Quezon; Luzon
         (Umirey Dumagat, Umiray Agta)
51.  FILIPINO    Pambansang Wika ng             Pilipinas  

52.  GA'DANG    Silanganing Lalawigang   
         (Gaddang)    Bulubundukin, Katimugang             Isabela, Nueva Viscaya; Luzon
53.  HANONOO Katimugang Oriental             Mindoro (Hanunoo)
54.  HILIGAYNON    Iloilo, Capiz, Panay,             Negros (Ilonggo)    Occidental,             Visayas
55.  IBALOI    Sentral at Katimugang             Lalawigang  (Inibalo, Nabaloi,             Benguet-Igorot,    Benguet,             Kanluraning lalawigan ng
          Igodor)    Nueva Viscaya; Luzon
56.  IBANAG    Isabela at Cagayan; Luzon
57.  IBATAAN    Babuyan Island, hilagang             Luzon (Babuyan, Ibatan, Ivatan)
58.  IFUGAO, Amganad    Ifugao, Luzon
59.  IFUGAO, Batad    Ifugao, Luzon
60.  IFUGAO, Kiangan Ifugao, Luzon
        (Gilipanes, Quiangan)
61.  ILOCANO Hilagang-kanluranin ng Luzon,
            (Iloko, Ilokano)    La    Union at mga                lalawigan ng Ilocos, Cagayan Valley,             Babuyan, Mindoro, Mindanao
62.   ILONGOT    Silanganing Nueva Vizcaya,
         (Bugkalut, Bukalot, Lingotes)             Kanluraning Quirino; Luzon  
63.   INGLES Isa sa pangalawang wika ng
        Pilipinas
64.   IRAYA    Kahilagaang Mindoro
65.   ISINAI, Insinai    Luzon, Bambang,             Dupax at Aritao,
          (Isinay, Inmeas)    Nueva Vizcaya
66.   ISNAG    Kahilagaang Apayao, Luzon
         (Dibagat-Kabugao-Isneg, Isneg)
67.   ITAWIT Luzon; Katimugang Cagayan
          (Itawit, Tawit, Itawes)
68.   ITNEG, Adasen Hilagang-silangan ng             Abra (Addasen Tinguian)
69.   ITNEG, Binongan    Ba-ay Valley at             Licuan, Abra; Luzon
             (Tinguian)
70.   ITNEG, Masadiit    Sallapadan at Bucloc,             Abra; Luzon
71.   ITNEG, Katimugan    Luzon, Katimugang             lalawigan ng (Lubo-Tiempo Itneg)                Abra
72.   IVATAN    Basco, Mga pulo ng Batanes
          (Basco Ivatan)
73.   IWANK Naninirahan sa sumusunod na
             (I-wak)    lugar: Tojongan, Bakes,             Lebeng, Chimulpus, Kayo-ko,             Salaksak (Kayapa) at Kalayuang             silangang   Itogon, Lalawigan ng             Benguet; Luzon
74.   KAGAYANEN    Pulo ng Cagayan,             Baybaying Dagat (Cagayano Cillo)      ng Palawan sa Pagitan ng Negros at
            Palawan
75.   KALAGAN    Sa kahabaan ng silangan at
            kanlurang baybaying dagat ng
               Davao del Sur at Davao Oriental
76.   KALAGAN, Kagan    Lunsod ng Davao,             Mindanao (Kaagan, Kagan, Kalagan)
77.   KALAGAN, Tagakaulu    Katimugang             Mindanao (Tagakaolo)
78.   KALINGA, Butbut Luzon; Butbut,             Tinglayan,  Kalinga-Apayao
79.   KALINGA, Guinaang    Silanganing Abra             at Kalinga-Apayao, Luzon
80.   KALINGA, Limos    Luzon, Kalinga-            Apayao
81.   KALINGA, Mabaka Valley    Luzon,             Timog-Silangang  (Mabaka Itneg, Kal-            uwan)    Kalinga-Apayao
82.   KALINGA, Madukayang Katimugang             lalawigang  Bulubundukin, Luzon
83.   KALINGA, Southern Katimugang             Kalinga-Apayao, Luzon
          (Sumadel-Tinglayan, Kalinga)
84.   KALINGA, Tanudan    Katimugang             Kalainga-Apayao, Luzon
85.   KALLAHAN, Kayapa    Kanluraning             Nueva Viscaya  (Kalangoya,             Kalanguyya, Kalkali)
86.   KALLAHAN, Keley-1    Napayo,             Kiangan, Ifugao (Antipolo Ifugao)
87.   KAMAYO    Surigao del Sur, sa pagitan ng Marihatag at Lingig, Mindanao
88.   KANKANAEY    Kahilagaang Lalawigan             ng Benguet, (Sentral Kankanaey,             Kankanai,    Timog kanluranin ng             lalawigang Kankanay)                Bulubundukin, Timog-Silangan ng
               Ilocos Sur, hilagang silangan ng La
               Union, Luzon



89.   KANKANAY, Kahilagaan    Kanluraning       lalawigang (Sagada Igorot,             Kanluraning    Bulubundukin, Timog             Silangang Bontoc)    Ilocos Sur, Luzon
90.   KARAO Karao, Bokod, lalawigan ng             Benguet, Luzon
91.   KAROLANOS    Sentral ng Pilipinas
92.   KASIGURAN    Casiguran, Quezon;             Luzon
93.   KINARAY-A    Mga lalawigan ng             Antique,  (Hinaray-a, Karay-a,             Antiqueno,    Kanluraning Panay
           Hamtinon)
94.   LOOCNON    Katimugang pulo ng Tabias
95.   MAGAHAT    Timog-Kanluraning             negros, Mt. (Bukidnon, Ata-Man)                Amiyo malapit sa Bayawari
96.   MAGINDANAON    Maguindanao;              Iranum, (Magindanao, Magindana)                Maguindanao; Hilagangn Cotabato,
            Timog Cotabato, Sultan Kudarat at
            Zamboanga del Sur, Iranum sa
            Bukidnon; Mindanao
97.   MALAYNON    Malay, Hilagang-            kanluranin ng Aklan, Panay             (kapatagan)
98.   MAMANWA Agusan del Norte at             Surigao, (Mamanwa Negrito,                Mindanao Minamanwa, Mamanwa
            Sambal)
99.   MANDAYA, Cataelano    Davao Oriental,           Mindanao
100.   MANDAYA, Karaga Davao Oriental,             Mindanao (Manay Mandayan,
            Mangaragan, Mandaya)
101.   MANDAYA, Sangad    Mindanao
102.   MANOBO, Agusan    Mindanao,             Hilagang Kanluraning  Davao
103.   MANOBO, Ata    Agusan del Norte,             Agusan del Sur, (Ata ng Davao)                Mindanao
104.   MANOBO, Cotabato    Timog Cotabato,         Mindanao
105.   MANOBO, Dibabawon    Manguagan,             Davao del Norte, (Mandaya, Dibabaon,        Mindanao debabaon)
106.   MANOBO, Ilianen    Kahilagaang             Cotabato, Mindanao

107.   MANOBO, Matig-Salug Davao del             Norte, Timog-silangang Bukidnon,             Mindanao
108.   MANOBO, Obo Sa pagitan ng Davao             del Sur at (Obo Bagobo, Bagobo,                Hilagang Cotabato, Mindanao
             Kidapawan Manobo)
109.   MANOBO, Rajah Kabungsuan                Katimugang Surigao del Sur
110.   MANOBO, Saranggani    Katimugan at         Silangang Davao, Mindanao
111.   MANOBO, Tagabawa    Katimugang             Surigao del Sur
112.   MANOBO, Kanluraning    Mindanao,             Lunsod ng Davao, Bukidnon    Dalisid      ng Mt. Apo
113.   MANOBO    Silangang Davao at mga             lalawigan (Mandaya Mansaka)    ng             Davao Oriental
114.   MARANAO    Silangang Davao at mga      lalawigan (Ranao, Maranaw)    ng             Davao Oriental
115.   MASBATEÑO    Kasama ang Sorsogon,         Masbate at (Minasbate)    tatlong pulo
116.   MOLBOG Pulo ng Balabas, Katimugang
               Palawan
117.   PALAWANO, Brooke's Point    Timog             Silangang Palawan
118.   PALAWANO, Sentral    Kasama ang             Timog Kanlurang (Quezon Palawano,        Palawanen) palawano, Katimugang     Palawan
119.   PALAWANO, Timog Kanluran    Timog        Kanlurang Palawan mula sa Canipaan        hanggang Canduaga
120.   PAMPANGAN Pampanga, Tarlac, at             Bataan; Luzon (Pampango)
121.   PANGASINAN    Pangasinan; Luzon
122.   PARANAN    Silangang baybaying             dagat, Isabela, (Palanenyo)    Luzon,             napapaligiran ng bundok
123.   POROHANON    Mga pulo ng Camotes
            (Camotes)
124.   ROMBLOMANON    Romblon at mg             pulo ng Sibuyan (Romblon)    bahagi             ng Silangang pulo ng Tablas, Hilagang          Panay
125.   SAMA, Abaknon    Capul Island na             katabi ng San (Abaknon, Inbaknon,             Capul,    Bernardino Strait



126.   SAMA, Balangingi    Kapuluran ng Sulu     sa hilagang (Baangingi; Kahilagaang    silangang Jolo, baybaying dagat ng
             Sinama)    Zamboanga, Kanluraning             Mindanao
127.   SAMA, Sentral    Sulu, baybaying dagat    ng Sabah, (Siasi Sama, Sentral Sinama)              kalapit ng Malaysia
128.   SAMA, Mapun    Cagayan de Sulu at             Palawan, gayon (Cagayan de Sulu,             Jama    din sa Sabah, kalapit ng             Malaysia Mapun, Cagayanon)
129.   SAMA, Pangutaran    Kanlurang Sentral             ng Sulu, Kanlurang Jolo; Mindanao
130.   SAMA, Katimugan    Mga kapuluang             sumusunod sa Borneo Katimugang             Sulu, mga pangkat at Tawi-Tawi;             Simunul, Sibulu, at iba pang             pangunahing pulo
131.   SAMBAL, Botolan    Sentral Luzon,             Zambales (Aeta Negrito, Botolan             Zambal)
132.   SAMBAL, Tina    Kahilagaang             Zambales, Luzon  (Tino)
133.   SANGIHE    Indonesia, mga pulo ng             Balut labas (Sangil, Singerese)    ng             Mindanao
134.   SANGIRE    Pulo ng Balut, labas ng             Mindanao (Snagil, Singgil)
131.   SAMBAL, Botolan    Sentral Luzon,             Zambales (Aeta Negrito, Botolan             Zambal)
132.   SAMBAL, Tina    Kahilagaang             Zambales, Luzon (Tino)
133.   SANGIHE    Indonesia, mga pulo ng             Balut labas (Sangil, Singerese)    ng             Mindanao
134.   SANGIRE    Pulo ng Balut, labas ng             Mindanao (Snagil, Singgil)
139.   SUBANUN, Lapuyan    Mga Sub-            peninsula ng Sulu sa  (Lapuyen,             Margosatubig)    Silangang Zamboanga      del Sur, Mindanao
140.   SUBANUN, Sindangan    Silangang             Peninsula ng Mindanao, Kapuluan ng        Sulu, Mindanao
141.   SULOD    Tapaz, Capiz, Lambunao,             Iloilo, (Bukidnon Mondo)                Valderama, Antique, Panay
142.   SURIGAONON    Surigao, Carrascal,             Cantilan, Madrid, Larosa
143.   TADYAWAN    Silangang Sentral             Mindoro (Pula, Tadianan, Balaban)
144.   TAGALOG    Katimugang Luzon,             kasama ang Kalakihang Maynila             (Metropolitan Manila), Bulacan,             Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, mga             bahagi ng Quezon, ilang lugar sa             Palawan,  Mindoro, Masbate, Bataan
145.   TAGBANWA, Aborlan    Palawan,             kasama ng Lamane (Apurahuano,             Tagbanwa)
146.   TAGBANWA, Calamian    Pulo ng             Colon, Hilagang Palawan (Kalamian,             Calamiano,    at Busuanga; Baras,             silangang Kalamianon)    baybay-dagat    ng Palawan, katapat ng Pulo ng             Dumaras
147.   TAGBANWA, Sentral    Kahilagaang             Palawan
148.   TAUSUG    Jolo, Kapuluan ng Sulu
            (Taw Sug, Sulu, Suluk, Tausug,
               Moro, Joloano)
149.   TAWBUID    Sentral Mindoro
           (Bangon, Batangan, Tabuid,
            Piron, Suri, Barangan,
            Binatangan)
150.   T'BOLI    Timog Cotabato, Mindanao
            (Tibolo, Tagabili)
151.   TIRURAY    Upi, Cotabato, Mindanao
            (Tirurai, Teduray)
152.   WARAY-WARAY    Kahilagaaan sa             silanganang (Samareño, Samaran,                Samar-Leyte Samar-Leyte, Waray)
153.   YAKAN    Kapuluan ng Sulu, Pulo ng             Basilan, (Yacaves)    Kanluraning             Mindanao
154.   YOGAD    Echague, Isabela; Luzon





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento