Isang Tangkang
Pagsusuri sa Maikling Kwetong " Bilanggo " ni Wilfredo P. Virtusio
ni
Joselito Tabunan*
I.
Panimula
Sa kabila ng marami ng batas at
karapatang pantao na inamiyendahan, ginawa at inilathala ng ating gobyerno't
mambabatas, laganap pa rin ang pang-aapi at marami pa rin ang mga taong di
nabigyan ng sapat hustisya sa ating lipunan.
Marami sa ating lipunan ang mga taong nasa piitan ang mga inosente,
nagkasala man ngunit labag sa kanilang mga kalooban o di kaya'y dahil na rin sa
udyok ng kapwa tao.
Iba't iba ang dahilan kung bakit ang
isang tao ay nasa bilangguan. May mga nasa piitan na sadyang kung tawagin natin
ay mga halang ang kaluluwa. Sila ang mga
mamatay tao, magnanakaw, mapagmahal sa laman at kung anu-ano pang uri ng
karahasan. Mayroon ding mga sakim at gahaman adik at iba pa. Ngunit mayroon
ding mga taong nasa piitan na labag sa kalooban ang gumawa ng kasalanan, mga
taong kadalasang "kapit sa patalim" ika nga o dahil sa udyok ng kapwa
tao kaya nakagawa ng kasamaan. Ang
masaklap sa lahat ay ang mag taong nasa piitan na nakakulong bagamat wala
naming kasalanan.
Si Wilfredo P. Virtusio ay isang
kilalang manunulat sa Kontemporaryong Panitikang Pilipino. Ilan sa kanyang mga
sinulat ay ang mga maiikling kwentong " Maria. Ang Iyong Anak ", na
nagkamit ng ikatlong gantimpalang Palanca noong 1971. Ang " Si Loleng Maria Kapra, Mga Araw
at Gabi at ang Bukang Liwayway sa Kanyang
Buhay " ay nagkamit naman ng unang gantimpalang Palanca noong 1972.
Ang maikling kwentong kanyang
sinulat na pinamagatang " Bilanggo " ay nagkamit ng unang
gantimpalang Palanca noong 1965 - 66.
Ito ay hinggil sa kwento at buhay ng mga taong nasa piitan. Mga taong nakagawa ng mga marahas na
kasalanan, inapi at mga taong mga taong nakagawa ng mga kasalanang labag sa
kanilang mga kalooban. Ang mga kwento ng buhay nila na inilahad sa akda ay naglalarawan
sa mga katotohanan ng buhay sa loob at labas ng bilanguang kanilang
kinasadlakan.
Narito ang katangiang pampanitikan
ng maikling kawentong " Bilanggo ":
Anyo ng panitikan
|
Tuluyan. Ito ay naisulat
sa katutubong daloy ng pangungusap.
|
Uri ng panitikan
|
Maikling kwento
|
Paksa
|
Tungkol sa pagbibigay o
pagpataw ng hustisya at pagkapantay - pantay sa mata ng batas at karapatang
pantao.
|
Tunggalian
|
Tao laban sa tao
|
Istilo
|
Karaniwan - isang
salasay na tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. May isang pangunahing
tauhang may mahalagang suliranin, isang mahalagang tagpo, mabilis na pagtaas
ng kawilihan hanggang sa kasukdulang madaling sinundan ng wakas at isang
kakintalan.
|
Kasukdulan
|
Ang pagkakatuklas ni
Sarhento Damaso na may lupa si Mang Selo. At ang lupang iyon ay binibili ng
sampung ulit sa tunay na presyo at pagpapapirma kay Mang Selo kasulatan.
|
Kakalasan
|
Ang pagtangging pagpirma
ni Mang Selo para maipagbili ang kanyang lupa at ang pagkakabugbog niya sa
kamay nina Sarhento Damaso.
|
Wakas
|
Iniisip ni Mang Selo ang
humahalakhak at waring nanlilibak na mukha ni Kristo sa dibdib ni Lucio.
Pagmulat niya sa kanyang duguang paningin at natuklasang sa bilangguang
kanyang kinasasadlakan ay hindi matanaw ang kahit na kapilas na langit.
|
Mga tayutay:
Pagwawangis Hubad na dibdib ay natatampukan ng
humahalakhak - hindi nalulumbay na mukha
ni Kristo na wari bang nanlilibak sa
sinumang magmasid."
Pagsalungat "Pailanlang na
ang matunog na halakhakang mayaman sa lantay na tuwa."
Pagwawangis "Yumaman ang mga limatik sa
dugo natin."
Pagtutulad "Ilang ulit
niyang pinatama ang talim niyon sa malapad na
dibdib ng bato, ngunit
walang nilikhang sugat iyon."
Paghihimig "Natulig si
Mang Selo sa matunog na halakhak ni
Lucio."
Pagtutulad "Niliglig
ang balikat at pinaikot - ikot ang ibabang
bahagi ng katawan na parang gumaganap sa isang matandang
ritwal."
Paglilipat- wika "Naghiyawan sa
malaswang pagbubunyi ang mga
bilanggo, sa mga sandaling
iyon ay nasa harap ng altar at taimtim
na nanalangin ang kanilang magulang,
kapatid, katipan at anak."
Pagmamalabis "Ang pangit na
mukha nito'y naglalarawan ng
kasukdulang kasiyahan
habang ginagawa ang ritwal na
isinayaw ng babae kagabi."
Pagmamalabis "Isang gabi'y
nasumpungan na lamang na
nakatihaya sa sariling dugo ang isa."
Pagpapalit- saklaw "Mabilis na dumapo sa
bibig ni Mang Selo ang
kamao ni Sarhento Damaso."
Pagpapalit- saklaw "Hinablot ng
makapangyarihang kamay ang isang
pitsera at dumagundong sa kanyang pandinig ang nakabibinging Pirmahan
mo, pirmahan mo!"
Pagtatambis "Pirma, iling,
sampal. Iling, bayo. Iling, dagok,
suntok, pompyang sa magkabilang tainga. Pirma, iling,
tadyak. Iling,
palo ng batuta sa likod. Iling, palo sa
dibdib. Hanggang sa maglaho ang kaganapan
ng lahat."
Pagmamalabis "Sa selda, pinukaw
ang mga bilanggo ng
nakalulunos na daing ni Mang Selo."
Pagpapalit- tawag "Gobyerno sila, Tata, at
wala kayong laban sa
kanila."
Pagpapalit- tawag "Kinasasadlakan niyang
bilanguan ay hindi
matanaw ang kahit na kapilas na langit."
II.Katawan
Buod
Mahigit na animnapu na ng mabilanggo
si Mang Selo. Siya ay nabilanggo sa kadahilanang hindi niya ginawa. siya ay
pinaratangang pumatay sa bangkay na natagpuan sa lupang kanyang sinasaka. Dahil
sa pagkabilangong iyon ang kanyang lupa ay pinagkatiwala niya sa kanyang
kumpare, si Marcos.
Ang lupang ito'y mahalaga sa kanya
sapagkat ito ay minana pa niya sa kanyang mga ninuno at dala nito ang mga
lalaala ng yumao niyang asawa, si Sisa. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang
ipagbili ito para pang-abswelto sa ipinaratang sa kanya.
Sa piitan nakilala niya sina Ping
Suhol, isang mayamang Intsik na nabilanggo dahil sa panggagahasa; si Quintin,
nasangkot sa dalawang pagpatay; si Lucio, na ang dibdib ay natatampukan ng
humahalakhak - hindi nalulumbay na mukha ni Kristo; si Hitler, nandukot,
pumatay at nanghalay; at si Sarhento Damaso, ang tanod na namamahala sa
brigadang kinapapalooabn na selda ni Mang Selo.
Ang pagkain nila sa piitan ay
maiihalintulad sa pagkain ng baboy. Mga inuod at mga malapit ng mabulok na
pagkain.
Ang tanging napapaglibangan nila sa
selda ay ang alagang dagang bahay ni Quintin. Ito ay pinangalanan niyang
Esperanza hango raw sa pangalan ng kangyang kabiyak. Ito ay nakakapangumit ng
sigarilyo at nangingliti ng paa ng mga presong tulog.
Minsan napili si Mang Selo na
magtrabaho sa labas. Sila ay binabantayan ng mga kapwa nila preso na kung
tawagin ay trusty at mga tanod na may bitbit na riple't garand.
Isang gabi nagkaroon ng pagtitipon sa
plasa ng bilangguan. Pinagkaguluhan ng mga bilanggo ang konsyerto ng mga
artista at ang pananyaw ng isang babaeng hubo't hubad. Ito raw ay gawa ng isang
pulitikong nangangampanya.
Nang mag- umaga na'y sumakit ang
tiyan ni Mang Selo. Siya ay dinala sa ospital ng bilangguan. Dito'y nalaman
niyang hindi ito ospital kundi punerarya. Sapagkat ang mga narito'y di
ginagamot kundi pinababayaan lamang hanggang ang ilan ay namamatay na dahil sa
karamdaman.
Dahil sa mga karanasang ito sa
bilangguan marami ang gustong makatakas. Kaya bumuo sila ng mga pangkat at
nag-ipon ng mga sandata. Ngunit sila rin mismo ang nag- aaway-away sa loob ng
bilangguan.
Minsan dumalaw ang kumpare ni Mang
Selo na si Marcos. Nagdala ito ng mga prutas, itlog, at iba pa. Ngunit ang mga
ito ay kinaha ni Sarhento Damaso. Ipinaalam ni Marcos na gustong bilhin ang
kanyang lupa ng sampung ulit ang higit sa tunay na halaga, para sa gagawing
kalsada na pagababaan ng troso mula sa bundok.
Ang gustong pagbili sa lupa ni Mang
Selo ay nalaman ni Sarhento Damaso. Kung kaya pinatawag niya si Mang Selo na
pumirma sa isang katibayan na gusto niyang ipagbili ang kanyang lupa. Ngunit
hindi pumayag si Mang Selo at dahil dito siya pinahirapan at binugbog hanggang
sa mawalan malay. Nahabag sa kanya si Lucio at sinabi na wala silang magagawa
pagkat gobyerno sila.
Maya- maya'y nag-iisa na rin si Mang
Selo. Aywan niya niya kung bakit sa mga sandaling iyon ay naiisip niya ang
humahahalakhak at waring nanlilibak na mikha ni Kristo sa dibdib ni Lucio.
Iminulat niya ang duguang paningin, pinukol ang kinalalagyan ng rehas-rehas na
bintana at noon lamang natuklasan ni Mang Selo na buhat sa kinasasadlakan
niyang bialangguan ay hindi matanaw ang kahit kapilas na langit.
Pagsusuring
Pormalistiko
Naging makabagbag damdamin ang
kwento sapagkat ang pagkakagamit ng mga salita ay naaakma sa pamagat nitong
"Bilanggo". Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay nagbibigay
buhay sa nais ipakita ng awtor na mga nangyayari sa loob ng bilangguan. Mula sa
dahilan kung bakit nabibilanggo ang isang tao hanggang sa makaranas sila ng mga
pagmamalabis at paglabag s akanilang mga karapatang pantao s aloob ng
bilangguan. Pati na rin ang paglalarawan sa kanilang pagkain, palikuran at iba
pa ay nakatulong sa mambabasa upang iakma nito ang sarili sa mga nangyayari sa
loob ng piitan. Ang paggamit at pag-italized ng mga salitang karaniwang
ginagamit sa bilangguan ay nakatulong din upang higit na maunawaan ng mambabasa
na ang mga pangyayaring kanyang binabasa ay sa bilangguan. Tulad ng trusty,
living-out, steel matting at iba pa. Pati na rin ang pag-italized ng mga
salitang mahalaga sa kwento. Tulad ng "Pinatay man niya si Esperanza at
Pirmahan mo, pirmahan mo! " ay lalong nakapagpasidhi sa damdaming
nais iparating ng awtor.
Ang istilong ginamit sa kwento na
" bukas na pagtatapos o open-ended" ay nagpapahiwatig din na kung
kailan kaya matatapos o magwawakas ang mga ganitong uri ng kaapihan sa ating
bayan.
Pagbibigay kahulugan sa mga salitang
ginamit sa kwento:
Konstable - alagad ng batas
sinaplutan - binihisan, dinamitan
nakakasulasok - di mabuti sa pakiramdam, mabaho,
napandidiri
napahandusay - napahiga, nalugmok
ice pick - matulis na bagay na gawa sa
alambre
trusty - mga presong
pingkakatiwalaan sa lob ng bilangguan, kasama ng mga tanod na
taga- bantay
sa kapwa nila preso.
batbat - tadtad
isinalikop - pinagdaop
bumalasik - sumama, nagalit
hinablot - biglang pagkuha sa isang
bagay
Pagsusuring
Panlipunan
Ang maikling kwentong ito ay may
malaking impluwensya sa moralidad ng isang tao at sa ating lipunan. Ang
lipunang kinabibilangan ng mga tauhan ay nangyayari sa tunay na buhay ng
lipunan natin sa kasalukuyan. Maliwanag na naipakita ng awtor ang uri ng lipunang
ginagalawan ng mga tauhan. Narito ang ilang pahayag sa kwento na naglalarawan
sa uri ng lipunang ginagalawan ng mga tauhan:
"Nabilanggo nga si Mang Selo.
Isang araw ay dinakip na lamang siya ng mga Konstable; pinanagot siya sa
natagpuang bangkay sa sukal na kahangga ng kanyang pinitak. "Hindi ko
tinaga ang taong 'yon," paulit-ulit niyang sinasabi sa mga taong-gobyerno,
ngunit ikinulong din siya ng mga ito sa madilim na karsel sa munisipyo."
Sa ating lipunan marami ang ganitong
uri ng pangyayari. Marami ang inaapi dahil sa kawalan ng kakayahan, pera at
pinag-aralan upang ipagtanggol ang sarili.
Maliwanag din na isinasaad sa akda
ang mga pangyayari at kaganapan na naglalarawan sa kalagayan ng mga nasa
bilangguan. Narito ang mga pahayag ukol dito:
"Ang rasyon sa selda ay
nakasilid sa pinutol na dram. Sa agahan; malabnaw na kape at kaputol na
tinapay; sa tanghalian; mapula at mabuhangin at kundi hilaw ay malatang kanin,
matabang o maalat na munggong gulay, dinarang na daing na kadalasa'y pinamumugaran
ng uod, galunggong o tilapyang labas ang tiyan."
Ang salaysay na ito'y naglalarawan
sa uri ng pagkain na ibinibigay sa mga preso. Mga pagkaing maiihalintulad sa
pagkain ng baboy o aso.
"Limatik siya, Tata," wika
ni Lucio kay Mang Selo. "Lahat ng alam niyang presong me kuwalta,
pinipigaan niya."
Ang tinukoy dito sa pahayag na ito'y
si Sarhento Damaso. Siya ang namamahala sa mga preso sa piitan. Marami ang
katulad niya na mga opisyal sa kulungan na mas ginigipit ang mga preso. Hindi
lang sa kulungan nangyayari ang mga pangyayaring ganito. May mga kahalintulad
na kaganapan sa labas ng kulungan. Mga halimbawa nito ay ang mga mayayamang
nanggigipit sa mga mahihirap na may
pakakautang hanggang sa mabaon sa utang at di na makabayad. Ang ginagawa naman
ng mga ito'y iniilit ang lupa o kinukuha ang mga anak at ginagawang alila.
"Alas diyes na nang dumating
ang doktor na hinihintay ni Mang Selo..........Isang bilanggo, payat at
maputla, na hindi.......dumaraing na napahandusay sa baldosang sahig. Dahil sa
pagkakagulo, lumabas ang doktor at nars, nangingnig na hinawakan ang pulso ng
bilanggo..........pagkuwa'y muling pumasok sa silid na parang walang anumang
nangyari. Patay na ang bilanggo."
Isinasaad dito na hindi inaasikaso
at pinababayan ang mga presong may sakit at walang pakialam ang mga doktor at
nars kung mamatay man ang mga ito.
Ang mga pangyayaring mga ito sa
kwento ay karaniwang nararanasan ng mga ilang bilanggo. Mga bilanggong ang mga
iba'y walang kasalanan tulad ni Mang Selo.
Pagsusuring
Moralistiko
Ang pananamantala sa maliliit at
mahihinang mga tao sa ating paligid ay alam nating nakapapanlumong moralidad o
ugali ng tao. Marami sa atin ang may ganitong katangian na ang hangad ay
makapagtamasa lamang ng karangyaan ng mundo, kadalasan sila ang mga taong
makasarili. May kasabihan tayo na "Kung walang magpapaapi ay walang mang-
aapi". Oo nga't totoo ang kasabihang ito, ngunit kung ang pagtatanggol
naman sa sarili at karapatan ay kalakip nito ang buhay o kamatayan. Sino kaya
ang may tunay na tapang upang harapin kahit kamatayan?
Sa kwentong ito'y inilahad ng may-
akda ang mga karanasang nararanasan ng mga ilang tao sa ating paligid.
Ang pagkitil sa karapatang pantao at
pagmamalabis sa mga preso ay malinaw na inilahad sa kwento. Pati na rin ang
kakulangan sa pagbibigay ng hustisya sa mga maralita at panggigipit sa mga
aping katulad ni Mang Selo.
Ipinapakita din sa kwento ang mga
imoral na gawain ng mga ibang tao sa ating lipunan. Mga taong sukab, gahaman at
mapagsamantalang katulad ni Sarhento Damaso. Mapagbalat-kayong pulitiko na
kunwari'y gustong gumawa ng kabutihan sa kapwa tao. At mga makapangyarihang
nilalang na ang tingin sa sarili'y kayang bilhin ang lahat ng uri ng kayamanan
dito sa lupa dahil sila ay may pera. Kagaya ito ng taong bumibili sa lupa ni
Mang Selo nang sampung ulit sa presyo nito upang sirain lamang ang ating Inang
Kalikasan.
Maraming tao sa ating lipunan ang
yumayaman dahil sa pagpapahirap sa mga maliliit at kapus-palad. Mga taong
sarili lamang ang iniintindi at kahit maghirap man ang kapwa ay walang
pakialam. Kasama na rito ang mga pulitikong inuubos ang kaban ng bayan na
galing sa dugo at pawis ng mga mamamayan. Na kung sa pamumulitika'y ginagamit
ang galing at talino upang bilugin ang ulo ng mga tao. Ito namang si Juan ang
daling maniwala sa tamis ng mga pangako ng mga ito. Sa huli pagkahalal sa iba
ginagamit ang talino, sa pagpapayaman sa mga bulsa ng mga ito. Kasi naman si
Juan rin lang ang dahilan kung bakit ganito ang kanyang gobyerno. Papasok na
ngayon dito ang kasabihang "Kung walang magpapagamit walang
manggagamit".
Pagsusuring
Arketipal
Ang mga sumusunod na salita na
ginamit sa maikling kwento ay bilang pagpapakita ng mga sumusunod na katangian:
Mang Selo isang taong inaapi, magsasaka at mahirap.
Sisa larawan mabuti at mapagmahal sa mga anak
na asawa.
Hitler siya ang nagpapatay sa mga Hudyo at
kilalang lider ng Germanya noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Limatik isang uri ng "parasite" na sumisip
nang dugo ng di mo
ito namamalayan.
Damaso sakim, sukab at mapagbalatkayo.
Esperanza pag- asa
III.
Pangwakas
Naging maganda ang takbo ng mga
pangyayari sa kwento. Nakapaghatid ito ng mga damdamin tulad ng awa,
pagkakasuklam at inis. Nakapagbukas ng isipan tungkol sa mga katotohanang
nangyayari sa ating paligid. Mga katotohanang kadalasang nangyayari sa tunay na
buhay. Tumutulong upang imulat natin ang ating mga mata sa mga kaapihang
nangyayari sa loob at labas ng bilangguan. Maraming mga kaluluwang nagnanais ng
tunay at sapat na kahulugan ng hustisya at katarungan.
Maraming mga karapatang pantao ang
naabuso sa kwento:
Una, ang karapatang mabigyan ng
kaukulang paglilitis o pantay na paghusga; pangalawa, nakitil din ang karapatan
ni Mang Selo na mabuhay ng matiwasay dahil sa pagkakakulong nito; pangatlo, ang
karapatang makamit ang mga wastong pangangailangang pisikal, tulad ng
masustansyang pagkain, magandang silid-tulugan at medisina; pang-apat,
karapatang ipagtanggol ang sarili sa batas at sa kapwa tao; at panglima, ang
karapatang mabuhay.
Nais gisingin ng may- akda ang ating
mga isipan upang bigyang katarungan ang mga bagay na gaya ng mga nangyayari sa kwento. Ipagtanggol
ang mga naaapi tulad ni Mang Selo at bigyan din nang pantay na karapatang
pantao nagkasala man ang mga ito o hindi. Sapagkat sila rin ay mga nilalang na
nais mabuhay ng malaya at matiwasay.
"Kung minsan nakagagawa ang tao
ng kasalanan dahil din sa kapwa tao."
* Nasa
ikalawang taon sa pag- aaral ng kursong BEED (SY 2008-2009). Nagtapos ng 9 units na asignaturang Filipino
sa kolehiyo bago kumuha ng Kontemporaryong
Pa nitikan, Dean’s lister.
Magaling. Malaki ang naitulong sa akin sa ikadadaki ng aking pag-unawa. Maraming salamat po...
TumugonBurahinNais kong magpasalamat sa taong gumawa nito. Ito ay malaking tulong para sa aming mga mag aaral. Ang akdang ito ay isa sa aming mga asignatura. Maraming salamat po sa inyong paglagay sa kwentong ito sa blogspot. Ito rin po kilala sa kwentong may pamagat na "Vida".
TumugonBurahinHindi po bat ang vida ay dulang may iisahing yugto
BurahinAno ang simbolo?
TumugonBurahin