Tungkol sa Akin

Aking larawan
Nueva Vizcaya, Region 2, Philippines
Maging bahagi sa pagpapaunlad ng wikang kinagisnan. Magbahagi ng iyong mga kaalaman sa anumang disiplina. Para sa atin ito!

Lunes, Pebrero 25, 2019

Media Campaign Sample

Narito ang isang halimbawa ng Media Campaign na binuo ng mga mag- aaral sa larangan ng pagtuturo.  Pansinin ang mga bahagi at kung paani binuo ang mga ideya.  Makatutulong ito bilang magandang halimbawa sa pagsulat ng kampanyang pangmedia.


#BESOCIAL
“Social Media, nilalapit ka ba o nilalayo sa totoong mundo?”

Mga Tagapanukala:
Russel J. Corpuz, Wendell F. Ramos, Margielyn B. Ragasa,
 Jhesa Mae R. Pamad, Hannah Nicole G. Cia

INTRODUKSYON
            Facebook. Twitter. Instagram.
            Ilan lamang ito sa mga paborito at uso (trending) na social media sa mga kabataan sa kasalukuyan.
            Ang paggamit ng social media ay maaring gawin sa mga oras na walang ginagwa (leisure time). Sa paggamit ng social media, wala nang mas kawili-wili at pinagtutuunan ng pansin kaysa sa pagpindot ng iba’t ibang reaksyon at pagbibigay komento sa mga larawan o mensaheng nakikita, naririnig at nababasa rito.
            Ang social media ay isa lamang sa mga bagay na ginagamit upang makipag-ugnayan sa iba sa loob man o sa labas ng bansa. Sapagkat, ang social media ay gumagawa nang tinatawag na “online connectivity” upang makakonekta sa mga tao san man panig ng mundo. Ito rin ay isang malaking salik sa pakikipagkaibigan sa mga kaklase o sa mga kaeskwela at pagkakaroon ng iba pang kaibigan na nakapaligid sayo.
            Kung ating pag-uusapan ang pang-akademya at sikolohiya, nakatutulong nga ba talaga ang social media upang magkaroon ng karagdagang kaibigan at magandang ugnayan sakanila? Ang tanong na ito ay nananatiling malaking tanong na kailangan ng kasagutan.
            Ayon sa Sun Star Pampanga (2018), isa sa mga epekto ng labis na paggamit ng teknolohiya at social media ay nakaaapekto sa tinatawag na “real world” ng mga kabataan. Na nagdudulot upang magkaroon ng sariling mundo ang mga gumagamit nito, at unti-unting lumayo sa mga taong nasa paligid.
            Totoong ang social media ay nakatutulong upang tayo ay magkaroon ng kaibigan sa virtual world. Ngunit ang tanong, kamusta naman ang mga taong pisikal na nandiyan para sayo?  Ito ay nananatiling malaking tanong na dapat pag-isipan.
            Hindi maikakailang, halos lahat ng kabataan ay gumamit ng social media sa pang araw-araw. Isa sa pangunahing gamit ng social media ay ang pagkakaroon ng koneksiyon sa ibang tao. Ngunit sa labis na paggamit nito ay naapektuhan ang kalagayang sosyal ng isang tao, sa kung paano makitungo at makisalamuha sa ibang tao.

TUNGKOL SA KAMPANYA
            Sa makabagong panahon, halos social media na ang nagpapagalaw sa bawat indibidwal. Napakagandang pagtuunan ng pansin ang halos pagkalulong ng bawat kabataan sa social media na labis na naaapektuhan ang kalagayan nilang sosyal. Sa pamamagitan ng media campaign na ito ay maiintindihan ng mga kabataan o ng kahit sino man kung gaano na nga ba kalaki ang epekto nitong labis na paggamit ng social media sa usaping pakikipag-ugnayan. Higit pa rito ay mahihikayat ang mga kabataan na gamitiin ang social media sa kung para saan nga ba ito, at bigyang limitasyon ang sarili sa paggamit nito.
            Ang kampanyang #BESOCIAL ay inaasahang makatutugon sa bawat kabataan upang makapaghatid ng mensahe tungkol sa wastong paggamit ng social media at sa paglilimita sa sarili sa paggamit nito. ito rin ay magtuturo sa mga kabataan kung ano ang mga epekto nang labis na paggamit ng mga ito. sa kampanyang ito, ipaiintindi sa bawat kabataan ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa personal sa aspeto, gayundin ang kaiisipang dapat matutunan na makipagkapwa sa iba.
            Ang kampanyang #BESOCIAL ay maipapalaganap sa pamamagitan ng video clip. Ang video clip na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang detalye ng kampanya. Illalahad din nito ang epekto ng labis na paggamit ng social media sa usaping soysal o ugnayan ng bawat indibidwal.
            Maipaparamdam sa kampanyang #BESOCIAL ang sakit na maaaring maramdaman ng isang kabataan mula sa mga taong malapit sa kanyan dahil sa labis na paggamit ng social media. Ang konsepto ng media campaign ay paglalahad ng maaaring maransan ng isang kabataan mula sa labis na paggamit ng social media. Sa huling bahagi ng media campaign, ilalahad ang kaisipang kinakailangan ng gumawa ng aksiyon upang ang labis na paggamit ng social media ay malimitahan sapagkat lahat ng labis ay walang maidudulot na mabuti.
            Upang masagot ang mga katanungan na mga mamamayan lalo na ng mga kabataan, maglalaan ng numero (phone number), facebook chat at e-mail ang mga tagapanukala upang mabigyang tugon ang mga katanungan.

PANGWAKAS
            Inaasahan din na sa pamamagitan ng media campaign na #BESOCIAL ay makatutulong sa banta sa paghubog ng mental, saykolohikal at moral na kalagayan ng isang tao. Ang magiging bisa ng kampanya ay mapapababa kung hindi man maitigil ang labis na paggamit ng social media.
Sun Star Pampanga (2018). Negatibong epekto ng teknolohiya at social media sa makabagong mag-aaral. Retrieved December 6, 2018. www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga.com

Sabado, Pebrero 9, 2019

Isang halimbawa ng Sosyo- politikal - kultural na papel.
Ang sanaysay ay may karapatang pagmamay- ari ng blogger.  

MACHISMO:  Dis- ilusyon ng Pagkalalaki
Rodelio C. Gauuan


Ang paglikha ayon sa bibliya, mula sa ikalawang kapitulo ng Genesis ay naglalaman ng pangunahing kaisipan na ang unang tao ay si Adan. Si Adan ay nagmula sa alabok ng lupa.  Sunod na nilikha ang unang babai at ito ay si Eba na  mula sa tadyang ni Adan.  Binabanggit ng bibliya na dalawang kasarian lamang ang nilikha sa sanlibutan – isang lalaki at isang babai.  May tiyak na ginampanang papel ang lalaki gayundin ang babai.   

Kasarian at sekswalidad

Sa kontekstong sosyal ng kasalukuyang panahon, madalas na naipagkakamali ang kahulugan ng kasarian at sekswalidad.  Ayon kay Bartle (2013) at sa paliwanag mula sa artikulong inilathala de Guzman (2015), ang kasarian ay nahahati sa mga babai at lalaki.  Ang lalaki at babai ay natutukoy sa pamamagitan ng anatomya at sa biological inheritance na katangian ng isang tao. Ang sekswalidad naman ay ang self-representation ng isang tao.  Ibig sabihin, kung paano nakita ang kanilang mga sarili. Ang sekswalidad ng isang tao ay maaaring maging sa 'babai' ngunit maaaring makilala bilang ‘lalaki’.

Ang iba’t ibang bansa na may iba- ibang kultura, may tradisyunal na paniniwala na nagpapaiba sa pagiging lalaki at babai.  Iba- iba rin ang pagtingin sa sekswalidad.  Ito ay nagdudulot ng magkaiba- ibang pagsipat o konteksto sa kahulugan ng ‘pagkababai’ at ‘pagkalalaki’. 


Konteksto ng pagkalalaki

            Ano ba ang batayan ng pagiging lalaki? Ang machismo ay ang pagiging lalaki.   Tukuyin man ito bilang kasarian o sekswalidad, ang lalaki ay lalaki.  Ang konteksto ng pagiging lalaki na kilala ng marami ay ang pagiging malakas at may matipunong hubog.  Maikli kung magsalita at may matatag na paninindigan.  Ang isang ‘hindi’ ng isang lalaki ay nangangahulugang ‘hindi’ at ito’y hindi maaaring mabago.  Lalaki ang bubuhay sa isang pamilya at tagapagsupling upang mabuo ang isang pamilya at lipunan.  Sa pulitikal na pagtingin ayon sa kasaysayan, lalaki rin ang kilala na may nakahihigit na dami sa panunungkulan.

            Sa kultural na pagsipat, ang lalaki ay naaatas sa lalong mabibigat na gawain.  Sa usaping pag- iibigan, lalaki ang nagpapahayag ng paghanga, pag- ibig at sekswal na pagnanais.  Ang ganitong konsepto sa pagkalalaki ay napatunayan na sa panahon pa ng mga Kastila hanggang sa pagsisimula ng pagdating ng mga Amerikano sa bansa.    Ito ang konteksto ng pagkalalaki na kinamulatan ng marami.


Hindi lahat ng lalaki ay ‘lalaki’
           
            Kung ang mga konteksto ng pagkalalaki ay ibabatay sa mga kaisipang nabanggit, hindi magiging makatwiran ang pagsipat sa kahulugan ng ‘pagkalalaki’.  Hindi lahat ng lalaki ay ‘lalaki’.  Isipin na lang na may mga ama na tinaguriang lalaki dahil nakapagsupling ng labindalawang anak, nababalitaan din sa mga pahayagan at telebisyon na may mga amang umabuso sa kanyang anak na babai, o kaya ay lalaking nambugbog ng kanyang asawa, ina o kapatid na babai.  Minsan, sumisikdo ang ating damdamin dahil kagagalitan natin ang isang lalaki na sa kabila ng paghingi ng pagkain ng mga nagugutom na anak ay higit pang bibigyang halaga ang pag- inom ng alak kasama ang mga kapwa niya ‘lalaki’.  Lalo tayong nawawalan ng paghanga sa pagiging ‘lalaki’ ng isang lalaki dahil sa maraming pagkakataon, may mga lalaking pumatay sa kanyang sariling anak, kapatid o kaya’y magulang at mayroon ding mga lalaking nasangkot sa panggagahasa sa sariling anak.   Ito ay hindi sapat na batayan ng pagiging lalaki. 


Dis- ilusyon ng pagkalalaki

Maliwanag ang sinasabi ng palasak na sabing “Madali lang maging tao subalit mahirap magpakatao”. Ang pagiging tao ay likas na ngunit kung paano makisalamuha nang maayos sa kapwa ay sadyang napakahirap gawin.  Kung lalapatan ng ibang konteksto ang palasak na sabing nabanggit ayon sa konseptong sosyal (panlipunan) ng ‘pagkalalaki’, ganito ang magiging daloy sa pahayag: “Madali lamang maging lalaki, ang mahirap ay magpakalalaki.”

Nasusukat ba ang pagkalalaki?  O mayroon bang batayan ang pagiging lalaki? 
Madaling sagutin ang dalawang tanong na ito.  Maaari lamang sabihin ang mga bayolohikal na katangian ng isang tao at tiyak na itong masasagot. 

            Tayo ay nabubulag sa pagsipat ng kahulugan ng ‘pagkalalaki’.  May dis- ilusyong nagaganap sa pagdalumat sa panukatan ng pagiging lalaki.  Hindi pisikal na katawan ang sukatan ng pagiging ‘lalaki’.  Kung lahat ng tao sa mundo ay may genital na panlalaki napakadaling sabihin na siya’y lalaki.  Lalong hindi nasusukat ang pagkalalaki sa bilang ng naging kasintahan sapagkat hindi naman lahat ng may panlalaking genital ay may kasintahan.  Minsan iniuugnay din ang pagkalalaki sa bilang ng babaing pinaasa, pinaiyak at nabuntis – maling sukatan ng pagiging lalaki.   Ang mga action star na nakikipagsuntukan, nakikipagbarilan o kaya ay nakikipagkarerahan ay mga lalaki, ngunit ang gilas, tikas at pagiging agresibo ay hindi nangangahulugan at kailanma’y hindi dapat isipin na sukatan ng pagkalalaki.

            Sa kabilang dako, may mga lalaki na ang sekswalidad ay nakikita bilang isang ‘babai’.  Tinukoy ito ni Abbas et al (2015) na bisekswalismo.  Sinabi niya na ang bisekswalismo ay ang oryentasyong sekswal ng isang lalaki.  Maaaring ang hubog, ugali, pananalita, mental at sikolohikal na katangian ay nakikitang lalaki.  Ngunit sa oryentasyong sekswal  lalaki rin ang nais maging kapareha. 

            Marami ng kaso ang ganito sa bansa, laganap ang dis- ilusyon ng pagkalalaki sapagkat ang tuon ng lipunan ay ang sekswal na oryentasyon ng isang lalaki.  Ang lipunan ay tumitingin sa papel na ginagampanan lamang ng lalaki, nalilito ang lipunan dahil sa gender role conflict.  Naka- stereo type ang tingin ng lipunan sa kultural, pulitikal at sikolohikal na katangian ng lalaki.

Machismo ang tunay na pagkalalaki
           
            May mga bisekswal na higit pang ‘lalaki’ kaysa sa kinikilala ng lipunan at tradisyon na lalaking gumaganap sa papel ng pagiging ‘tunay’ na lalaki.  Naipakita ng mga bisekswal ang kalambutan ng puso ngunit may matatag na paninindigan.  Maawain sa  marami ngunit may malakas na pagtitiwala sa kapwa. 

            Mayroon ding mga lalaki na ang pisikal na hubog ay hindi iyong kinilalang may malaking katawan at malakas, ngunit naitaguyod nang maayos ang pamilya.  May mga lalaking hindi nakapag- aral at hindi maging pinuno ng isang lugar o kaya ng isang bansa, ngunit naipakita ang responsibilidad sa sarili, sa pamilya at sa kanyang kapwa.  May mga lalaking hindi makapagsalita sa harap ng galit na asawa ngunit naging matapat sa kanyang mga salita.   Maraming lalaking pinagtawanan sapagkat hindi sumama sa barkada ng ‘kalalakihan’ ngunit naipagmalaki dahil sa pagpapakita ng wagas na pagmamahal sa pamilya maging sa kanyang kapwa.

            Machismo, ito ang tunay na pagkalalaki.  Ang machismo ay ang pagkakaroon ng paninindigan, reponsibilidad, katapatan, pagmamahal sa sarili, pamilya at kapwa.  Ang machismo ay walang kinikilalang kasarian.  Ang machismo at ang pagiging lalaki ay walang basehan sa purong sosyolohikal, pulitikal, kultural at sikolohikal na konsepto kundi sa  kontekstong etikal.

May dis- ilusyon ng pagkalalaki at walang halaga ang pagiging lalaki kung ang konteksto ng lipunan ay ang pisikal at sekswal na aspeto lamang.  Maging marunong tayo sa pagsipat ng machismo at huwag mabulag sa maling pagsipat ng pagkalalaki sa kontekstong sosyal.




Sangunian:
            Abbas, B. et al. (2015)  Pagkabarako:  sikollohiya ng pagkalalaki.

Bartle, P.  (2013)  Pamamaraan sa pangkasariang istratehiya.  Retrieved October                        19, 2016  http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules

Santos, A.  (2013). Ang pagiging lalaki.  Retrieved October 19, 2016                                               https://emrefendor.wordpress.com


            We Were Here (2011) Retrieved October 20, 2016  www.wattpad.com
Narito ang isang halimbawa  ng buod na likha ng mag- aaral na si Jubie Ann Chalajchaj.  Ang una ay ang orihinal at ang ikalawa ay ang buod.  Ang buod ay mahusay na naisagawa ayon sa konteksto ng pagbubuod.

“ANG BATANG MAIKLI ANG ISANG PAA”
         Mula sa https://pinoycollection


Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doktor. Ang sabi ng mga doktor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang. Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi sya umiiyak sa panunukso sa kaniya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kaniyang magulang na madasalin. Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.
Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina sa pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang humahanga sa kanya. Lahat gusto siyang maging estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang kakayahan sa pagtugtog.





Buod: “ANG BATANG MAIKSI ANG ISANG PAA”
Jubie Ann L. Chalajchaj 


Si Mutya ay pinanganak na maliit ang isang paa at ayon sa mga doktor habambuhay na raw siyang magiging lumpo, kaya labis ang lungkot at pagkaawa sa kanya ng mga magulang si Mutya ay naging tampulan ng panunukso lalo na nang magsimula siyang mag-aral.

 Ngunit hindi nagpapaapekto si Mutya sa mga panunukso sa kaniya, Siya’y lumaking matapang, matatag, madasalin at tinanggap niya nang maluwag sa loob ang kaniyang kalagayan.

 Sa pagdadalaga ni Mutya nahilig siya sa musika at marami ang humahanga dahil sa galling niya sa pagtugtog ng iba’t ibang instrumento. Pinag-aral siya ng piyano upang lalong humusay, Sa taglay niyang talino sa musika maraming guro ang gusto siyang maging estudyante.
  
Paglipas ng ilang taon si Mutya ay kilala nang piyanista. Tumugtog siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Siya ay hinangaan dahil sa taglay niyang pambihirang kakayahan sa pagtugtog.




























Huwebes, Oktubre 13, 2016

Paalala:  Ang poster ay isang halimbawa lamang ng multimodal invitation.  Huwag pong magpadala ng anumang halaga o aklat katulad ng nakasaad sa poster.  Ginawa lamang ang poster para sa pangangailangan ng NGEC Training.

Huwebes, Pebrero 27, 2014

Rseach sample 3

Research sample

Ang mga Learning Styles ng mga Mag-aaral ng Accountancy
Kaugnay ng mga Piling Baryabol




Isang Pag-aaral Na Iniharap sa:

School of Arts and Sciences
Languages Department
Saint Mary’s University
Bayombong, Nueva Vizcaya







Nina:

Kenneth Paolo Agacer
Josephine Aguilar
Nicole Alonzo
Louise Aldeim T. Burgos
Katrina Claudine Maribbay
Joshua R. Mabborang
Kristine Dianne Sampaga




March 2013


ABSTRAK
Nais matuklasan ng mga mananaliksik ang mga learning styles ng mga mag-aaral sa seksyon A at B ng ikalawang taon ng School of Accountancy. Kaugnay dito, nais din malaman ng mga mananaliksik kung anu-ano ang kanilang mga learning styles batay sa kanilang kasarian at academic performance o standing.
Ang resulta ay ang mga sumusunod: ang mga mag-aaral ng BSA2A ay mas nakapag-aaral kapag sila ay nag-iisa; kapag sila lamang ang gumagawa ng paraan upang makapag-aral nang mabuti ngunit kulang sila sa istilong ginagamitan ng mga aksyon o galaw at ang paggamit ng sense of touch. Sa BSA2B naman, sila ay mas nakapag-aaral gaya ng BSA2A, nang mag-isa at hindi nakadepende sa iba; hindi rin sila gaanong nakapag-aaral kung gagamit ng mga aksyon o galaw.
Batay sa kasarian, ang kababaihan naman ng BSA2A ay mas nakapag-aaral gamit ang mga biswal; sa kalalakihan, nakapag-aaral din sila kapag nasusuportahan ang kanilang pag-aaral ng mga biswal, sila rin ay nakapag-aaral nang mag-isa. Ang mga kababaihan at kalalakihan naman sa BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa at hindi nakakapokus sa grupo.
Batay naman sa academic performance, ang academic scholars ng BSA2A ay nakapag-aaral gamit ang mga biswal; ang non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang mag-isa at sa tahimik na kapaligiran. Ang nag-iisang academic scholar naman sa BSA2B ay nakapag-aaral gamit ang mga biswal at nakakapokus sa kaniyang pag-aaral knug siya ay mag-isang nagsisipag; ang mga non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang mag-isa na walang tulong sa iba.
i
PASASALAMAT
            Unang-una asa lahat, gusto naming pasalamatan ang Panginoong Diyos na nagbigay sa amin ng talento, kakayahan at talino upang magawa itong pananaliksik at salamat po sa paggabay sa amin.
            Nais din naming pasalamatan ang mga sumusunod:
            Ang aming mga magulang sa pag-unawa at pagsuporta lalo na sa aming mga gastusin.
            Ang mga respondents na galing sa seksyon A at B ng ikalawang taon ng School of Accountancy sa partisipasyon at sa pagsagot sa aming questionnaire.
            Sa aming guro, Sir Rodel, na nagbahagi ng kaniyang kaalaman at galing sa aming pananaliksik, salamat po sa ibinigay ninyong suporta at mga konsiderasyon.
            Salamat sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik




ii
PAGHAHANDOG
            Ang pag-aaral na ito ay taos-puso naming inihahandog sa mga taong walang sawang sumuporta at tumulong sa pagtapos n gaming pag-aaral. Ito ay para sa mga sumusunod:
            Sa aming mga magulang, sa pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta sa amin.
            Sa aming mga kaibigan, na parating nariyan upan kami ay hikayatin na ipagpatuloy ang aming pag-aaral ano man ang mangyari.
            Higit sa lahat, para ito sa Poong Maykapal na patuloy kaming ginagabayan, Ikaw ay nagsisilbing inspirasyon sa aming lahat.

Mga Mananaliksik






iii
TABLE OF CONTENTS
Pahina
Pamagat                                                                                                                                   
Abstrak                                                                                                                                     i
Pasasalamat                                                                                                                               ii
Paghahandog                                                                                                                            iii
Table of Contents                                                                                                                     iv
KABANATA I. Ang Suliranin at ang Batayan ng Pag-aaral
            Batayan ng Pag-aaral                                                                                                    1
            Paglalahad ng Suliranin                                                                                                4
            Paglalahad ng Hipotesis                                                                                                4
            Kahalagahan ng Pag-aaral                                                                                             4
            Saklaw at Limitasyon                                                                                                   5
            Depinisyon ng mga Katawagan                                                                                    6
KABANATA II. Ang Literatura at ang Kaugnay na Pag-aaral
            Literatura                                                                                                                      7
            Kaugnay na Pag-aaral                                                                                                  8
KABANATA III. Ang Metodolohiya ng Pag-aaral
Metodolohiya ng Pag-aaral                                                                                           10 Kaligiran ng Pag-aaral                                                                                                  11
            Respondents                                                                                                                 11
            Mga Instrumento ng Pag-aaral                                                                                      12
iv
            Proseso ng Pagsusuri                                                                                                      12
KABANATA IV. Paglalahad at Pagpapakahulugan ng Datos                                                 13
KABANATA V. Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
            Buod                                                                                                                              31
            Konklusyon                                                                                                                    32
            Rekomendasyon                                                                                                            33
APPENDICES                                                                                                                          34
BIBLIOGRAPHY                                                                                                                    41
CURRICULUM VITAE                                                                                                          42












v

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT ANG BATAYAN NG PAG-AARAL

Batayan ng Pag-aaral
            Ang pag-aaral ay mahalagang sangkap patungo sa magandang kinabukasan ng isang mag-aaral.
            Iba-iba ang katangian at ugali ng mga kabataan na nag-aaral sa ngayon kung kaya’t iba-iba rin ang paraan ng mga ito patungkol sa kani-kanilang mga asignatura; ang dahilan nito ay ang mga sumusunod: impluwensya ng mga kapwa kamag-aral, kawalan ng oras at interes sa pag-aaral at hindi naaayon na paraan ng pag-aaraal.
            Dahil dito, ang mga guro ay inaasahang mas sikaping maturuan at mabigyan ng atensyon ang bawat isa upang maiwasan ang mga pagbagsak ng kaniyang mga estudyante.
            Sa araling English ay may apat na macro-linguistic skill; gayundin sa Filipino, ang mga ito ay ang: PAGBASA, ito ay ang pagkilala sa mga simbulo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat sa kaisipan ng mambabasa. Dito ay kailangan ng matalinong pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga mensahe ng may akda. Mayroon ding kahalagahan ito:
            1. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay nadadagdagan ang mga kaalaman sa lahat ng larangan.
            2. Napapayaman ang kaisipan at napapalawak ang talasalitaan.
            3. Nakakarating sa mga pook na hindi pa nararating o hindi na mararating at maglakbay sa panahon sa pamamagitan ng pagbabasa.
1
4. Maaaring nahuhubog ang kaisipan at paninindigan batay sa mga nababasang akda.
            5. Nakapagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon na kakailanganin sa pag-aaral sa pamilya, at sa pangglobal na kaalaman.
            6. Maaaring makatulong sa mabibigat na suliranin at nakakagaan ng damdamin dahil sa mga kaalaman, ideya, kaisipan at pilosopiya sa nakuha o napulot sa pagbabasa at
            7. Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang iba’t ibagn antas ng buhay at anyo ng daigdig. (Mercedes Rodrigo, 2009)
            Ang PAGSASALITA naman ay ang sinasabing susi ng pag-unlad ng isang tao mula ng natutong magsalita. Ito ay ang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, sa pamilya, sa kapaligiran, sa lipunan at kung saan man siya makarating. Sa pagsasalita nasasalamin ang pagkatao at kultura ng isang tao, sa pamamagitan ng mga salita na kanyang ginagamit at ang lipunang kanyang ginagalawan. (Mercedes Rodrigo, 2009)
            Dalawa pa sa mga ito ay ang PAGSULAT, ito ay ang pagsasatitik ng mga sagisag ng kaisipan. Ito rin ay paglilimbag ng mga sagisag ng lenggwahe, mga ideyang isinasalin sa papel o sa anumang maaaring pagkulungan ng mga karunungan gamit ang mga pinagsama-samang mga salita, simbulo at ilustrasyon na may layuning maihayag ang mga kaisipan at saloobin. Ang kahalagahan naman ng pagsusulat ay:
            1. Nagkakaroon ng palagiang tala na nagsisilbing batayan ng anumang karunungan sa hinaharap.
            2. Nagiging posible ang malayuang pakikipagtalastasan.
            3. Higit na nagkakaroon ng magandang unawaan ang mga mamamayan.

2
            Ayon pa kina Peck at Buckingham (1976), ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng mag-aaral sa kanilang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. (Romeo Gonzalvo Jr, 2011)
            Huli ay ang PAKIKINIG, upang makarinig ay kinakailangan na ang mga tunog na mensaheng hatid ng hangin ay nauunawaan at naiinterpret ng tainga at mata. Kailangan ang pakikinig upang:
            1. Makakuha ng impormasyon.
            2. Magsuri o magmasid at
            3. Maglibang.
            Katulad ng iba, marami ring sikat at matalinong mga idolo ng masa ang may mga learning styles, kabilang dito ay si Albert Einstein, siya ay palaging nanaginip ng gising. Si Winston Churchill naman ay unti-unting natuto upang maging magaling na tagapagsalita. Ang magaling na si Thomas Alva Edison ay mahilig magtanong nang magtanong, masagot lamang ang kaniyang mga tanong; gusto rin niyang mag-isa sa kaniyang mga eksperimento at pag-aaral.
            Dahil dito, napag-isipan ni Harvard Professor of Education, Howard Gardner na ang isang tao ay may pitong iba-ibang intelligence centers, ang mga ito ay ang: Linguistic Intelligence, Logical-Mathematical Intelligence, Visual-Spatial Intelligence, Bodily-Kinesthetic Intelligence, Musical Intelligence, Interpersonal Intelligence at Intrapersonal Intelligence.Karagdagan pa rito ay ang anim nalearning styles na Auditory, Group, Individual, Kinesthetic, Tactile at Visual.
            Madami talagang learning styles ang mga tao dahil sumusunod sila sa paraan kung saan sila naaangkop at mas nababagay.
3
Paglalahad ng Suliranin
            Ang pag-aaral na ito ay sumagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga learning styles ng mga ‘Accountancy students’ ng ikalawang taon?
2. Anu-ano ang mga relasyon ng learning styles ng mga mag-aaral patungkol sa mga piling baryabol:
            a. kasarian
            b. academic standing

Paglalahad ng Hipotesis
            Ang mga mag-aaral ng School of Accountancy ay may mga learning styles na ginagamit sa kanilang pag-aaral.
            Ang mga learning styles na ito ay maaaring may kaugnayan sa mga piling baryabol.

Kahalagahan ng Pag-aaral
            Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga sumusunod: Una, sa mga mag-aaral lalo na sa mga kasangkot dito. Makatutulong din ito upang mas makilala pa ng mga nasabing mag-aaral ang kanilang mga sarili. Magkakaroon sila ng ideya kung saang learning style sila mas magiging kumportable nang sa gayo’y mas makakapag-aral sila nang mabuti at mas maintindihan nang maayos ang mga aralin na makakapagtaas ng kanilang mga grado.
           

4
Pangalawa, para sa mga guro, upang mataya nila kung gaano ba naiintindihan ng kanilang mga mag-aaral ang mga isinagawang leksiyon. Makakukuha pa sila ng gabay kung ano ang nararapat nilang ibigay na mga pagsubok o takda para sa kanila. Bukod dito, mas magkakaroon ng tulungan kasama ang guro.
            Pangatlo, para sa mga magulang, upang mas maintindihan nila ang kanilang mga anak sa kanilang paraan ng pag-aaral; mas magiging madali para sa kanila na gabayan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.
            Pang-apat, sa administrasyon, upang matutukan ang mga mag-aaral na kulang sa learning strategies. Maaari silang makakuha ng mga learning styles na pwede nilang ibahagi sa mga iba pang mag-aaral.
            Panghuli, sa iba pang mga mag-aaral, upang magkaroon ng inspirasyon at tulong para sa pag-aaral nila at upang makatuklas pa sila ng iba’t ibang ideya kung ano nga bang learning styles ang maaari nilang gamitin na mas makakatulong para sa kanilang pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon
            Ang kasangkot sa pag-aaral na isinagawa ay ang mga mag-aaral ng Accountancy ng ikalawang taon, (seksyon A at B), ito ay ginawa sa campus ng Saint Mary’s University, Enero-Pebrero 2013.
            Limitado ang pag-aaral na ito sa anim na learning styles na:
            a. Auditory
            b. Group
           
5
c. Individual
            d. Kinesthetic
            e. Tactile
            f. Visual

Depinisyon ng mga Katawagan
a. learning style/strategy – istilo ng pag-aaral na gumagabay sa mga mag-aaral na Accountancy.
­b. macro-linguistic skill – mahahalagang sangkap upang maintindihan ang wika.
c. intelligence centers – kung saan naaayon ang tao batay sa kaniyang galling.
d. respondents–kasangkot sa pag-aaral
e. academic standing – isang paraan upang mataya ang galling ng mga mag-aaral; ito ay base sa kanilang galling at talino.
f. pangglobal na kaalaman – napapanahong kaalaman ukol sa nagaganap sa mundo.
g. Auditory – nakapag-aaral gamit ang pakikinig (musika, sound effects)
h. Group – nakapag-aaral kasama ang iba (dyads, triads, cooperative learning)
i. Individual– nakapag-aaral nang mag-isa
j. Kinesthetic– nakapag-aaral gamit ang mga aksyon o galaw (sayaw, choreography, role playing, skit)
k. Tactile– nakapag-aaral gamit ng pag-eeksperimento
l. Visual– nakapag-aaral gamit ang mga biswal.



6
KABANATA 2
ANG LITERATURA AT ANG KAUGNAY NA PAG- AARAL

Literatura
            Ang pag-aaral na ito ay sumasakop sa apat na macro-linguistic skill pagbasa, pagsulat, pagsalita at pakikinig at ang mga learning styles na mayroon ang mga mag-aaral.
            Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagbasa ay ang ang pagkilala sa mga simbulo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat sa kaisipan ng mambabasa. Ayon kay Rodrigo (2009), ang pagsasalita ay ang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, sa pamilya, sa kapaligiran, sa lipunan at kung saan man siya makarating.. Ang pagsulat naman ay binigyang kahulugan ni Gonzalvo (2011), sinabi niya na ang pagsulat ay ang pagsasatitik ng mga sagisag ng kaisipan. Ang pakikinig ay pag-interpret ng mensahe gamit ang tainga.
            Napapaloob din dito ang mga learning styles sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang mga learning styles na ito ay maaaring Auditory, ito ay ang pag-aaral gamit ang pakikinig; Group,ito ay ang pag-aaral kasama ang ibang tao; Individual ,ito ay ang pag-aaral nang mag-isa; Kinesthetic, ito ay ang pag-aaral gamit ang aksyon o galaw; Tactile, ito ay ang pag-aaral gamit ang pag-eeksperimento o paggamit ng kamayat Visual, ito ay ang pag-aaral gamit ang mga biwsal.

7
Ayon kay Howard Gardner, isang guro sa Harvard, kaugnay sa mga ito ay ang intelligence centers na mayroon ang isang tao, ang Linguistic Intelligence, Logical-Mathematical Intelligence, Visual-Spatial Intelligence, Bodily-Kinesthetic Intelligence, Musical Intelligence, Interpersonal Intelligence at Intrapersonal Intelligence.

Kaugnay na Pag- aaral
            Ayon kay Tomas (1980), sa pag-aaral nina Coleman, Elliot at Strang ay may kinalaman sa study habits and attitudes; sa 113 na sanhi ng pagbagsak sa klase na isinaad ni Coleman, isa sa mga ito ay ang poor study habits. Ayon naman kay Elliot, 75% ng pagbagsak sa klase ay dahil sa poor study and examination techniques. Sumang-ayon dito si Strang na isa sa mga dahilan ay ang mali o hindi mabuting pagbabasa at pag-aaral.
            Si Ramirez (1967), naman ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa Non-intellective Factors in High School Academic Achievement of High-ability Students. Ang kaniyang surbey ay tungkol sa study habits and attitudes. Ayon sa kanya, kinakailangang maimpluwensyahan ang mga mag-aaral upang mas magkaroon sila ng oras sa kanilang pag-aaral at magamit ang mga pasilidad ng paaralan katulad ng silid-aklatan at study zones tuwing bakanteng oras ng mga ito.
            Ayon sa pag-aaral na Effects of a Proposed Program of Group Learning Strategies on the Study Habits and Attitudes of Freshmen College Students ni Damaso (1951), ang pag-aaral tungkol sa study habits ang attitudes ay may mga natatanging resulta: una, ang academic performance ay maaaring maimpluwensyahan ng paraan ng pag-aaral ng isang mag-aaral.
8
Ikalawa, ang positibong pananaw sa paaraalan ay may relasyon sa academic performance. Ikatlo, kahit malaki ang pagkakaiba ng mga mag-aaral, ang mga paraan at katangian nila sa pag-aaral ay direktang nakokontrol ang academic performances ng mga ito.
            Ayon naman kay Balandra (1972), sa Cadiz City High School, 28.26% ng mag-aaral ay may talagang planong mag-aral, 26.07% lang ang mas gustong mag-aral kaysa manood ng mga films kasama ang mga kaibigan pagkatapos ang klase, 39.96% naman ang mga mag-aaral na nagbabasa ng mga komprehensyon at 69.56% ang umiiwas sa pakikipag-usap o pakikinig sa radio habang nag-aaral.
            Sa isinagawang pag-aaral ni Dela Cerna (2008), napag-alaman na ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral ay tungkol sa gramatikal na paggamit ng wikang Filipino: sa paggamit ng bantas, malaking titik, angkop na anyo ng mga salita at tanging gamit ng salita.
            Madami ang kaugnay ng pag-aaral na ito na mas makakatulong upang magkaroon ng mga gabay ang mga researchers tungo sa inaasahang bunga ng isinagawang pag-aaral ukol sa mga learning styles ng mga napiling mag-aaral.
            Sa mga nasuring mga kaugnay ng pag-aaral na ito, sadyang masasabi na madaming factors sa academic performance ng mga mag-aaral. Makikita rin na nakasalalay ang academic performance ng isang mag-aaral sa kaniyang galling o talino sa larangang kaniyang kinabibilangan.
           
           
9
KABANATA 3
ANG METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Metodolohiya ng Pag-aaral 
            Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga learning styles namayroon samga mag-aaral, ito ay ginamitan ng palarawang pamaraan na surbey. Ang pamaraang surbey, ayon sa Microsoft Premium (2009), ay ang koleksyon at pag-interpret sa mga sagot ng isang populasyon sa mga poll o questionnaire na ibinigay na nais malaman ang kanilang mga opinyon, katangian tungkol sa isang particular na sitwasyon.
            Ang ibinigay na questionnaire ay may 18 natanong. Pagkatapos sagutan ng mga respondents, ay kinolekta ang mga papel upang i-tally ­ng mga researchers.
            Isinagawa ang mga sumusunod na hakbang:

FIGURE 1. Hakbang ng Pag-aaral
>Unang Hakbang:
Pagbuo at pagwawasto ng talatanungan.
>Ikalawang Hakbang:
Aktwal na surbey:
Pagbigay ng mga questionnaire sa mga respondents.
>Ikatlong Hakbang:
Pag-aaral sa mga nakalap na datos.
>Ikaapat na Hakbang:
Pagtukoy sa mga learning styles ng mga mag-aaral.
 









10
Kaligiran ng Pag-aaral

            Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa kampus ng Saint Mary’s University, Bayombong, Nueva Vizcaya.
            Ayon sa Administrative, Faculty and Staff Manual (2006)ngnasabingpaaralan, isinasaadnitona:
            “Saint Mary’s University of Bayombong as a Filipino, Catholic and Missionary institution of higher learning, draws its vision and orientation form the Constitutional Mandate of the 1987 Philippine Constitution, the educational goals expressed in the Education Act of 1982, the philosophy of the Commission on Higher Education and Department of Education, the Apostolic Constitution on Catholic Universities “Born from the Heart of the Church”, and the vision-mission and directives on the Educational Apostolate of the Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM).”

            Ang paaralang ito ay may tinatawag na 4C’s naCompetence, Creativity, Community-Supportivess at Christian Discipleship.

Respondents
            Ang kasangkot sa pag-aaral na ito ay ang seksyon A at B ng ikalawang taon ng School of Accountancy. Ang seksyon A ay may kabuuang 34, 12 ang lalake habang 22 naman ang mga babae; 23 ang academic scholars at 11 ang non-scholars. Sa seksyon B naman ay may kabuuang 31, 10 ang lalake at 21 naman ang mga babae; 1 lamang ang academic scholar at 30 ang non-academic scholars.
           



11
Mga Instrumento sa Pag-aaral
            Ang instrumentong ginamit ng mga researchers sa pag-aaral na ito ay ang surbey o ang paggamit ng mga questionnaire. Ang unang bahaging questionnaire ay ang pagkuhang personal naimpormasyon sa mga respondents at ang ikalawang bahagi naman ay ang pag-alam sa mga learning styles na mayroon ang mga mag-aaral, ito ay mga situational-based na mga pangungusap. Ang pagsagot ng mga respondents ay batay sa scale na 1- hindi, 2- hindi gaano, 3- minsan, 4- kadalasan at 5- palagi.

Proseso ng Pagsusuri                                                                                                         
                Ginawa ng mga researchers ang mga questionnaire at ipinawasto naman ang mga ito sa guro. Pagkatapos ng pagwasto ay sinimulan na ang pagbigay ng mga questionnaire sa mga respondents at sa kakinolekta ng mga researchers para sa pag-interpret ng nakalap na datos.
                Ang questionnaire ay binuo upang malaman ang mga learning styles ng mga mag-aaral batay sa kasarian at academic standing. Pinahalagahan ng mga researchers ang mga learning style na pinakanakikita sa mga mag-aaral at ang mga learning style na hindi masyadong nakikita sa mga ito.







12
KABANATA 4
PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS  

            Ang kabanatang ito ay nagpapakita sa mga nakalap na datos na nanggaling sa mga sagot ng mga kasangkot sa pag-aaral ukol sa Learning Styles. Ang unang bahagi nito ay ang distribusyon ng mga kasangkot batay sa mga baryabol na seksyon, pagiging academic scholar o non-academic scholar at kasarian. Ang ikalawang bahagi naman ay ukol sa mga nakuhang resulta gamit ang frequency at percentage.

I. PROFILE NG MGA RESPONDENTS
TABLE 1.1  Distribusyon ng mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2A
FREQUENCY
PERCENTAGE
FEMALE
23
72%
MALE
9
28%
TOTAL
32
100%

            Makikita sa talaan na may 72% na babae sa seksyon A ng ikalawang taon sa Accountancy at 28% naman ang mga lalake. Dito ay makikitang mas madami ang kababaihan na nag-enroll sa Bachelor of Science in Accountancy ng ikalawang taon kaysa sa lalake; marahil sanhi nito ay ang hilig ng mga kababaihan sa pagbilang at pag-analyze.


13
TABLE 1.2 Distribusyon ng mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2B
FREQUENCY
PERCENTAGE
FEMALE
21
68%
MALE
10
32%
TOTAL
31
100%

            Sa talaan ay makikita na 68% ang babae sa seksyon B ng ikalawang taon sa Accountancy at 32% naman sa lalake. Mas nakalalamang ang dami ng kababaihan kaysa sa lalake; isang dahilan siguro nito ay ang kawalan ng interes ng mga lalake sa Accounting o Math.

TABLE 2.1  Distribusyon ng mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2A
FREQUENCY
PERCENTAGE
ACADEMIC SCHOLARS
23
72%
NON-ACADEMIC SCHOLARS
9
28%
TOTAL
32
100%

            Sa talaan na ito makikita na 72% ang academic scholars sa seksyon A at 28% naman sa non-scholars. Higit na mas marami ang mga academic scholars kaysa sa mga hindi scholar, dahil na rin ito sa Averaging System of Sectioning; ang bilang naman ng mg aacademic scholars ay maaaring dahil sa sikap ng mga mag-aaral sa seksyon na ito.

14
TABLE 2.1  Distribusyon ng mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2B
FREQUENCY
PERCENTAGE
ACADEMIC SCHOLARS
1
3%
NON-ACADEMIC SCHOLARS
30
97%
TOTAL
31
100%

            Makikita sa talaan na 3% angacademic scholars sa seksyon B at 97% naman ang non-academic scholars. Dito ay mapapansing mas madami ang non-scholars, maaaring dahil ito sa kawalan ng oras para sa mga importanteng bagay gaya ng pag-aaral.

Sa unang suliranin, narito ang mga resulta na mayroong mga nakasuportang tsart:
TABLE 3.1 LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa KASARIAN
LEARNING STYLE ng BSA2A (babae)
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
174
15%
Group
183
16%
Individual
222
19%
Kinesthetic
181
15%
Tactile
204
17%
Visual
209
18%
TOTAL
1173
100%
15
CHART 1.2 LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa KASARIAN

            Makikita sa tsart na ang kababaihan sa BSA2A ay may 18% na antas sa learning style na Visual, 15% naman sa learning styles na Kinesthetic at Tactile; mas nakalalamang ang learning style na Visual sa kababaihan; sila ay nakapag-aaral gamit ang biswal at mas nagagamit ang mga mata upang ma-decode ang mga patterns na nakikita para makapag-aral nang mabuti, ngunit, maaaring hindi sila nakapag-aaral gamit ang paggalaw at paghawak sa mga gamit na makatutulong sana sa kanilang pag-aaral.





16
TABLE 3.2 LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa KASARIAN.
LEARNING STYLE ng BSA2A (lalake)
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
99
16%
Group
106
17%
Individual
114
18%
Kinesthetic
89
15%
Tactile
96
16%
Visual
109
18%
TOTAL
613
100%

CHART 1.3. LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa KASARIAN
17
            Sa tsart ay makikitang 18% pareho ang nakuha ng learning style na Visual at Individual at 15% lang sa Kinesthetic; ang mga kalalakihan ay mas nakapag-aaral gamit ang mga biswal at mas ninanais nila na mapag-isa tuwing panahon ng mga pagsusulit at pagsubok. Hindi sila gaanong nakapag-aaral gamit ang mga aksyon o paggalaw.

TABLE 3.4 LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa KASARIAN.
LEARNING STYLE ng BSA2B (babae)
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
194
16%
Group
192
16%
Individual
220
19%
Kinesthetic
183
15%
Tactile
192
16%
Visual
202
17%
TOTAL
1183
100%







18
CHART 1.4 LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa KASARIAN

            Sa tsart na ito makikitang 20% ang nakuha ng learning style na Individual at 15% lang ang nakuha ng Kinesthetic, ang kababaihan sa BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa na walang kasama o hindi nakikisama sa group study, sila ay hindi nakapag-aaral gamit ang mga aksyon o gestures.







19
TABLE 3.5 LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa KASARIAN.
LEARNING STYLE ng BSA2B (lalake)
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
78
16%
Group
86
17%
Individual
97
19%
Kinesthetic
74
15%
Tactile
86
17%
Visual
82
16%
TOTAL
503
100%

CHART 1.5. LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa KASARIAN
20
            Sa tsart ay makikitang 19% ang nakuha ng learning style na Individual at 15% naman ang Kinesthetic; ang mga kalalakihan ay nakapag-aaral nang mag-isa, gusto nilang ilayo ang sarili nila sa iba at mag-focus sa kanilang sariling pagbabasa o pag-aaral; ngunit, hindi sila nakapag-aaral nang may mga aksyon o galaw.

TABLE 4.1 LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.
LEARNING STYLE ng Academic scholars ng BSA2A
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
179
15%
Group
204
17%
Individual
225
19%
Kinesthetic
186
15%
Tactile
189
16%
Visual
227
19%
TOTAL
1210
100%







21
CHART 2.1. LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.

            Sa tsart makikita na 19% ang nakuha ng Visual learning style at 15% naman sa parehong Kinesthetic at Tactile. Ang mga academic scholars ng BSA2A ay mas nakapag-aaral gamit ng mga biswal ngunit hindi nakapag-aaral gamit ang mga aksyon o paggalaw at ang paghahawak.








22
TABLE 4.2 LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
LEARNING STYLE ng Non- Academic scholars ng BSA2A
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
89
17%
Group
75
14%
Individual
99
19%
Kinesthetic
74
14%
Tactile
101
19%
Visual
81
16%
TOTAL
519
100%


CHART 2.2. LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
23
            Sa tsart makikita ang distribusyon ng learning styles batay sa  academic performance. Dito ay nakakuha ng 20% ang Individual learning style at 14% naman ang Kinesthetic at Group. Ang mga non-academic scholars ng BSA2A ay mas nakapag-aaral nang mag-isa ngunit hindi sila nakakapokus kapag nakapag-aaral kasama ang grupo at kung sila ay gumagamit ng mga aksyon o galaw sa pag-aaral.

TABLE 4.3 LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.
LEARNING STYLE ng Academic scholar ng BSA2B
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
5
8%
Group
10
16%
Individual
13
21%
Kinesthetic
10
16%
Tactile
10
16%
Visual
13
21%
TOTAL
61
100%






24
CHART 2.3. LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE

            Sa tsart makikita ang distribusyon ng learning styles ng nag-iisang academic scholar sa seksyon B. Nakakuha ng 22% ang Visual at Individual learning style at 8% lang sa Tactile. Ang respondent na ito ay mas nakapag-aaral gamit ng mga biswal na nakikita at kung siya ay nag-iisa, samantalang hindi siya nakapag-aaral gamit ang kaniyang sense of touch o paghawak.







25
TABLE 4.4 LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.
LEARNING STYLE ng Non- Academic scholars ng BSA2B
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
285
17%
Group
285
17%
Individual
325
19%
Kinesthetic
257
15%
Tactile
275
16%
Visual
291
17%
TOTAL
1718
100%


CHART 2.4. LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
26
            Sa tsart makikita ang distribusyon ng mga learning styles ng non-academic scholars ng BSA2B. Ang learning style na Individual ay nakakuha ng 18% at 15% lang ang sa Kinesthetic. Sila ay mas nakapag-aaral kapag mag-isa ngunit hindi sila mahilig sa paggalaw o paggamit ng mga aksyon sa kanilang pag-aaral.

TABLE 5.1 LEARNING STYLES ng mga BSA2A
LEARNING STYLE ng BSA2A
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
273
15%
Group
289
16%
Individual
336
19%
Kinesthetic
270
15%
Tactile
300
17%
Visual
318
18%
TOTAL
1786
100%







27
CHART 4.1. LEARNING STYLES ng mga buong BSA2A

            Sa tsart makikita ang distribusyon ng mga learning styles ng buong BSA2A. 19% ang nakuha ng learning style na Individual at 15% lang sa Kinesthetic at Tactile. Mas nakapag-aaral ang BSA2A nang mag-isa; hindi naman sila nakapag-aaral gamit ang mga paggalaw o aksyon at hindi nila masyadong ginagamit ang sense of touch o pandama.







28
TABLE 5.1 LEARNING STYLES ng mga BSA2B
LEARNING STYLE ng BSA2B
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
272
16%
Group
278
16%
Individual
317
19%
Kinesthetic
257
15%
Tactile
278
16%
Visual
284
17%
TOTAL
1686
100%

CHART 4.1. LEARNING STYLES ng mga buong BSA2B
29
            Sa tsart makikita ang distribusyon ng mga learning styles ng buong klase ng BSA2B. Ang learning style na Individual ay may 20% at 15% lang ang sa Kinesthetic. Ang mga mag-aaral ng BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa; nakapag-aaral sila nang walang tulong sa ibang tao; ngunit sila ay hindi nakapag-aaral kung gagamit ng aksyon o paggalaw.


















30
KABANATA 5
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Buod
            Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga learning styles na mayroon samga mag-aaral, ito ay ginamitan ng palarawang pamaraan na surbey. Ang instrumentong ginamit ng mga researchers sa pag-aaral na ito ay ang surbey o ang paggamit ng mga questionnaire. Ang unang bahaging questionnaire ay ang pagkuhang personal naimpormasyon sa mga respondents at ang ikalawang bahagi naman ay ang pag-alam sa mga learning styles na mayroon ang mga mag-aaral, ito ay mga situational-based na mga pangungusap. Ang pagsagot ng mga respondents ay batay sa scale na 1- hindi, 2- hindi gaano, 3- minsan, 4- kadalasan at 5- palagi.
            Ang resulta ay ang mga sumusunod: ang kababaihan ng BSA2A ay may learning style na Visual (18%), sa kalalakihan naman ay Visual (18%) at Individual (15%); ang may pinakamababang antas na nakuha ay ang learning style na Kinesthetic (15%) at Tactile (15%) para sa mga babae at Kinesthetic naman para sa mga lalake. Sa seksyon B naman, ang kababaihan ay may learning style na Individual (20%) ngunit mababa sila pagdating sa Kinesthetic learning style (15%); sa kalalakihan ay may learning style na Individual (19%); Kinesthetic (15%) naman ang pinakamababa.
           

31
Batay naman sa academic performance, ang mga academic scholars ng BSA2A ay may Visual learning style (19%), sila ay mababa sa Kinesthetic (15%) at Tactile learning style (15%). Ang mga non-academic scholars naman ay may learning style na Individual (20%) ngunit mababa sila sa Kinesthetic (14%) at Group (14%). Sa academic scholar ng seksyon B, siya ay may learning style na Visual (22%) at Individual (22%); mababa naman sila sa Tactile learning style (8%). Ang non-academic scholars naman ng nasabing seksyon ay may learning style na Individual (18%) ngunit mababa sila sa Kinesthetic na learning style (15%).
Sa kabuuan, ang mga mag-aaral sa BSA2A ay may learning style na Individual (19%) at mababa naman sila sa mga learning style na Kinesthetic (15%) at Tactile (15%); para sa BSA2B, gaya ng kabilang seksyon, may learning style rin silang Individual (20%) ngunit mababa sa Kinesthetic (15%).

Konklusyon
            Napagtanto ng mga mananaliksik na ang mga mag-aaral ng BSA2A ay mas nakapag-aaral kapag sila ay nag-iisa; kapag sila lamang ang gumagawa ng paraan upang makapag-aral nang mabuti ngunit kulang sila sa istilong ginagamitan ng mga aksyon o galaw at ang paggamit ng sense of touch. Sa BSA2B naman, sila ay mas nakapag-aaral gaya ng BSA2A, nang mag-isa at hindi nakadepende sa iba; hindi rin sila gaanong nakapag-aaral kung gagamit ng mga aksyon o galaw. Batay sa kasarian, ang kababaihan naman ng BSA2A ay mas nakapag-aaral gamit ang mga biswal; sa kalalakihan, nakapag-aaral din sila kapag nasusuportahan ang kanilang pag-aaral ng mga biswal, sila rin ay nakapag-aaral nang mag-isa.
32
Ang mga kababaihan at kalalakihan naman sa BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa at hindi nakakapokus sa grupo.
Batay naman sa academic performance, ang academic scholars ng BSA2A ay nakapag-aaral gamit ang mga biswal; ang non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang mag-isa at sa tahimik na kapaligiran. Ang nag-iisang academic scholar naman sa BSA2B ay nakapag-aaral gamit ang mga biswal at nakakapokus sa kaniyang pag-aaral knug siya ay mag-isang nagsisipag; ang mga non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang mag-isa na walang tulong sa iba.

Rekomendasyon
            Ang mga sumusunod ay inirerekomenda ng mga mananaliksik:
1.      Para sa mga mag-aaral na kasangkot dito, na ipagpatuloy ang mga paraan nila kung saan sila mas kumportable.
2.      Para sa mga non-academic scholars, na subukin ang iba pang mga learning style na mas naaangkop at makatutulong sa kanilang pag-aaral.
3.      Para sa mga guro, na maging gabay sa kanilang mga mag-aaral sa tamang mga paraan sa pag-aaral.
4.      Para sa mga susunod na maniniliksik na nais bumuo ng pag-aaral na katulad nito, na pumili ng mas malaking populasyon, maaaring sa loob o labas ng paaralan. Maaari ring magdagdag ng iba pang baryabol katulad ng financial status ng magulang, trabaho ng magulang, ethnicity at iba pa.

33
APPENDIX 1
I. PROFILE NG MGA RESPONDENTS
TABLE 1.1  Distribusyon ng mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2A
FREQUENCY
PERCENTAGE
FEMALE
23
72%
MALE
9
28%
TOTAL
32
100%

TABLE 1.2 Distribusyon ng mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2B
FREQUENCY
PERCENTAGE
FEMALE
21
68%
MALE
10
32%
TOTAL
31
100%

TABLE 2.1  Distribusyon ng mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2A
FREQUENCY
PERCENTAGE
ACADEMIC SCHOLARS
23
72%
NON-ACADEMIC SCHOLARS
9
28%
TOTAL
32
100%


34
TABLE 2.1  Distribusyon ng mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2B
FREQUENCY
PERCENTAGE
ACADEMIC SCHOLARS
1
3%
NON-ACADEMIC SCHOLARS
30
97%
TOTAL
31
100%

TABLE 3.1 LEARNING STYLES ng mga BSA2A batay sa KASARIAN
LEARNING STYLE ng BSA2A (babae)
FREQUENCY
PERCENTAGE
Auditory
174
15%
Group
183
16%
Individual
222
19%
Kinesthetic
181
15%
Tactile
204
17%
Visual
209
18%
TOTAL
1173
100%






35
CHART 1.4 LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa KASARIAN
CHART 2.3. LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
36
CHART 2.4. LEARNING STYLES ng mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE

CHART 4.1. LEARNING STYLES ng mga buong BSA2A
37
CHART 4.1. LEARNING STYLES ng mga buong BSA2B

FIGURE 1. Hakbang ng Pag-aaral
>Unang Hakbang:
Pagbuo at pagwawasto ng talatanungan.
>Ikalawang Hakbang:
Aktwal na surbey:
Pagbigay ng mga questionnaire sa mga respondents.
>Ikatlong Hakbang:
Pag-aaral sa mga nakalap na datos.
>Ikaapat na Hakbang:
Pagtukoy sa mga learning styles ng mga mag-aaral.
 











38
APPENDIX 2
Isang Surbey tungkol sa Learning Styles ng mga Mag-aaral ng Accountancy
Kaugnay ng mga Piling Baryabol.
Name:
Kasarian: ___lalake ___babae
Academic Standing ____academic scholar ____non-academic scholar
Seksyon___A ___B

Panuto: Bilugan ang kolum na napabibilang sa iyong sagot.
Ang scale ay: 1- hindi 2- hindi gaano 3- minsan 4- kadalasan 5- palagi
1. Mas nakapag-aaral kapag nakikinig ng radio kaysa sa panonood ng films o telebisyon.
5
4
3
2
1
2. Nakikinig ako sa musika sa radio, tape, CD at alam ko ang mga tono ng iba’t ibang kanta.
5
4
3
2
1
3. Nakikinig ako sa musika habang ako’y nag-aaral.
5
4
3
2
1
4. Mas pinipili ko ang group sports gaya ng volleyball/basketball kaysa sa solo sports gaya ng swimming/jogging.
5
4
3
2
1
5. Hilig kong turuan ang ibang tao o grupo ng aking mga alam tungkol sa mga asignatura.
5
4
3
2
1
6. Ako ay isang lider.
5
4
3
2
1
7. May mga opinyon ako na iba sa aking mga kaklase.
5
4
3
2
1
8. Mayroon akong natatanging gawain sa pag-aaral na hindi ko ipinapaalam sa iba.
5
4
3
2
1
9. Iniisip ko ang mga pangarap ko sa buhay.
5
4
3
2
1
10. Hilig kong magsagawa ng mga gawain na sinasanay ang aking kamay katulad ng pagtatahi, carving, carpentry.
5
4
3
2
1
11. Gumagamit ako ng hand gestures kapag nakikipag-usap sa iba.
5
4
3
2
1
12. Hilig kong gumawa o umimbento ng mga reviewer para sa aking pag-aaral.
5
4
3
2
1
13. Sa paaralan, English, Social Studies at History ay mas madali kumpara sa Math at Science.
5
4
3
2
1
14. Kailangan ko munang hawakan ang isang bagay upang mas malaman at maintindihan ko ito.
5
4
3
2
1
15. Mahilig akong gumawa ng mga eksperimento na nauukol sa aking pag-aaral.
5
4
3
2
1
16. Sensitibo ako sa kulay na nakikita ko.
5
4
3
2
1
17. Mahilig akong mag-isip ng mga logical sequences kapag may nakikita akong mga problema sa pisara.             
5
4
3
2
1
18. Mas gusto kong babasahin ang madami ang mga ilustrasyon.
5
4
3
2
1

Pagkatapos ay i-total ang sagot sa 1-3, 4-6, 7-9, 10-12, 13-15, 16-18
1-3:_____ 4-6:_____7-9:_____10-12:_____13-15:_____ 16-18:_____

















40
BIBLIOGRAPHY

Damaso, L.L (1981). Effects of a proposed program of group learning strategies on the study habits and attitudes of freshmen college students.
Gonzalvo, R. P. (2011). Masining na pakikipagtalastasan para sa akademikong Filipino: Batayang aklat sa Filipino 1 – antas tersarya.
Ramirez (1967). Non-intellective factors in high school academic achievement of high-ability students.
Rodrigo, M. C. (2009). Komunikasyon sa akademikong Filipino: Filipino 1, p. 171-172, 185-186.
Tilan, L. B. (2003). Effects of small-group activities on the Mathematics achievement and attitude of the third year high school students.
Tomas, V. S. (1980). The relationship of academic achievement, study habits and attitudes, self-concept, and mental ability of the Nueva Vizcaya State Institute of Technology High School (Main) Students.












41