Tungkol sa Akin

Aking larawan
Nueva Vizcaya, Region 2, Philippines
Maging bahagi sa pagpapaunlad ng wikang kinagisnan. Magbahagi ng iyong mga kaalaman sa anumang disiplina. Para sa atin ito!

Martes, Nobyembre 5, 2013

MHL Final episode kritiko

Napakagandang talakayin ang huling episode ng MHL .  Ang kabuluhan nito ay makikita mismo sa bawat tauhan.  Ang mga simbolismong bagay ay nakapagdadala ng mga emosyon na nakapagbibigay ng mataas na uri ng pang- unawa sa mga damdamin ng mga tauhan at sa mga manonood.  Tunghayan ang bawat kilos nina Vincent kasama ang kanyang lover at si Vincent kasama ang kanyang anak na lalaki.  Bigyag pansin ang bola.  Hindi ba't ang bola ring iyon ang dahilan kung paano nagkakilala ang dalawang pangunahing lalaking tauhan sa simula pa lang ng serye?  Bakit ang anak ang nagbigay sa ama ng bola?  Tunghayan ang mga salitang binitawan ng anak sa kanyang ama.  Paano tinanggap ng anak ang katotohanan hinggil sa katauhan ng ama?  Ang usapin ditoý sa kabila ng kasarian ng ama ay naipahiwatig nito na napalaki ang anak na may sapat sa pang- unawa na hindi karaniwang makikita  sa nga batang lumalaki ay naipahiwatig na mataas na uri ng pang- unawa ng bata ang makikita dito.  Pansinin din ang usapan ni Laly at ng lover ng kanyang asawa, kung ikaw ang babae, makikiharap ka ba ng ganoon sa isang taong naging dahilan ng malaking kasawian mo sa buhay.  Katatagan hindi ba?  Kung ikaw ang lalaking lover, paano m haharapin ang isang tao na nagawan mo nang hindi pangkaraniwang sama ng loob?  Ang eksena ay isang napakagandang tanawin kung saan ang taas ng pang- unawa ng bawat tauhan ay naihayag sa pamamagitan ng usapang maayos at may pagtanggap, maluwag sa loob at walang bahid ng pagsasamantala sa bawat isa. 

Pagmasdang mabuti ang huling eksena sa bahaging muling pagkikita ng dalawang lalaking sangkot sa pag- iibigang ang sabi ng iba ay ipinagbabawal, nangyari ito sa labas kung saan maraming tao ang paroo't parito na hindi man tumutunghay sa dalawang tauhan ay naiparating ang kaisipang tanggap ito ng lipunan at hayagan namang ipinakita ng dalawang tauhan.  Ito nga ba ay tanggap? o marami pa rin ang hindi nakatatangap ng ganitong pag- iibigan?  Labag ba ito sa kautusan ng Diyos?  May batas ba ang tao na nagbabawal nito? 

Paano mo wawakasan ang damdamin mula sa tunay na nakakaramdam nito?  Ang kasarian ba ay hadlang upang ibigay ang kaligayahan ng isang tao?  Kung hindi natin maibibigay ang kaligayahan ng isang tao, ano ang ipinagkait mo sa kanya?  

Kung ikaw ay isang lalake o isang babae na nasangkot sa ganitong sitwasyon, paano mo gagampanan ang iyong tauhan?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento