#BESOCIAL
“Social
Media, nilalapit ka ba o nilalayo sa totoong mundo?”
Mga Tagapanukala:
Russel J. Corpuz, Wendell F. Ramos,
Margielyn B. Ragasa,
Jhesa Mae R. Pamad, Hannah Nicole G. Cia
INTRODUKSYON
Facebook. Twitter. Instagram.
Ilan lamang ito sa mga paborito at uso
(trending) na social media sa mga kabataan sa kasalukuyan.
Ang paggamit ng social media ay maaring gawin sa mga oras na walang ginagwa (leisure time). Sa paggamit ng social media, wala nang mas kawili-wili
at pinagtutuunan ng pansin kaysa sa pagpindot ng iba’t ibang reaksyon at
pagbibigay komento sa mga larawan o mensaheng nakikita, naririnig at nababasa rito.
Ang social media ay isa lamang sa mga bagay na ginagamit upang
makipag-ugnayan sa iba sa loob man o sa labas ng bansa. Sapagkat, ang social media ay gumagawa nang tinatawag
na “online connectivity” upang
makakonekta sa mga tao san man panig ng mundo. Ito rin ay isang malaking salik
sa pakikipagkaibigan sa mga kaklase o sa mga kaeskwela at pagkakaroon ng iba
pang kaibigan na nakapaligid sayo.
Kung ating pag-uusapan ang
pang-akademya at sikolohiya, nakatutulong nga ba talaga ang social media upang magkaroon ng
karagdagang kaibigan at magandang ugnayan sakanila? Ang tanong na ito ay
nananatiling malaking tanong na kailangan ng kasagutan.
Ayon sa Sun Star Pampanga (2018),
isa sa mga epekto ng labis na paggamit ng teknolohiya at social media ay nakaaapekto sa tinatawag na “real world” ng mga kabataan. Na nagdudulot upang magkaroon ng
sariling mundo ang mga gumagamit nito, at unti-unting lumayo sa mga taong nasa
paligid.
Totoong ang social media ay
nakatutulong upang tayo ay magkaroon ng kaibigan sa virtual world. Ngunit ang tanong, kamusta naman ang mga taong
pisikal na nandiyan para sayo? Ito ay
nananatiling malaking tanong na dapat pag-isipan.
Hindi maikakailang, halos lahat ng
kabataan ay gumamit ng social media
sa pang araw-araw. Isa sa pangunahing gamit ng social media ay ang pagkakaroon ng koneksiyon sa ibang tao. Ngunit sa labis na paggamit nito ay naapektuhan ang
kalagayang sosyal ng isang tao, sa kung paano makitungo at makisalamuha sa
ibang tao.
TUNGKOL SA KAMPANYA
Sa makabagong panahon,
halos social media na ang nagpapagalaw sa bawat indibidwal. Napakagandang pagtuunan
ng pansin ang halos pagkalulong ng bawat kabataan sa social media na labis na naaapektuhan ang kalagayan nilang sosyal.
Sa pamamagitan ng media campaign na
ito ay maiintindihan ng mga kabataan o ng kahit sino man kung gaano na nga ba
kalaki ang epekto nitong labis na paggamit ng social media sa usaping pakikipag-ugnayan. Higit pa rito ay
mahihikayat ang mga kabataan na gamitiin ang social media sa kung para saan nga ba ito, at bigyang limitasyon
ang sarili sa paggamit nito.
Ang kampanyang #BESOCIAL ay
inaasahang makatutugon sa bawat kabataan upang makapaghatid ng mensahe tungkol
sa wastong paggamit ng social media
at sa paglilimita sa sarili sa paggamit nito. ito rin ay magtuturo sa mga
kabataan kung ano ang mga epekto nang labis na paggamit ng mga ito. sa
kampanyang ito, ipaiintindi sa bawat kabataan ang kahalagahan ng
pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa personal sa aspeto, gayundin ang kaiisipang
dapat matutunan na makipagkapwa sa iba.
Ang kampanyang #BESOCIAL ay
maipapalaganap sa pamamagitan ng video
clip. Ang video clip na ito ay naglalaman
ng mga mahahalagang detalye ng kampanya. Illalahad din nito ang epekto ng labis
na paggamit ng social media sa
usaping soysal o ugnayan ng bawat indibidwal.
Maipaparamdam sa kampanyang #BESOCIAL
ang sakit na maaaring maramdaman ng isang kabataan mula sa mga taong malapit sa
kanyan dahil sa labis na paggamit ng social
media. Ang konsepto ng media campaign
ay paglalahad ng maaaring maransan ng isang kabataan mula sa labis na paggamit
ng social media. Sa huling bahagi ng media campaign, ilalahad ang kaisipang
kinakailangan ng gumawa ng aksiyon upang ang labis na paggamit ng social media ay malimitahan sapagkat
lahat ng labis ay walang maidudulot na mabuti.
Upang masagot ang mga katanungan na
mga mamamayan lalo na ng mga kabataan, maglalaan ng numero (phone number),
facebook chat at e-mail ang mga tagapanukala upang mabigyang tugon ang mga
katanungan.
PANGWAKAS
Inaasahan din na sa pamamagitan ng media campaign na #BESOCIAL ay
makatutulong sa banta sa paghubog ng mental, saykolohikal at moral na kalagayan
ng isang tao. Ang magiging bisa ng kampanya ay mapapababa kung hindi man
maitigil ang labis na paggamit ng social
media.
Sun Star Pampanga (2018). Negatibong
epekto ng teknolohiya at social media sa makabagong mag-aaral. Retrieved
December 6, 2018. www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento