
MGA DIIN: TUNGO SA
MABISANG PAGBIGKAS

Bigkasin
nang wasto ang mga sumusunod na salita:
bahay kubo munti halaman doon
singkamas talong sigarilyas mani sitaw
bataw patani kundol patola upo
kalabasa labanos mustasa sibuyas kamatis
bawang luya
Bigkasin
ang pamilang sa Filipino:
Isa dalawa tatlo apat lima
Anim pito walo siyam sampu

ANO ANG NAPANSIN MO?
Ang mga salita sa itaas ay maaaring pangkatin sa
APAT ayon sa bigkas ng mga ito. Bigkasin
muli ang mga salita. Pangkatin ito ayon
sa bigkas. Isulat sa bawat kolum ang mga
salitang may magkakatulad na bigkas.
Unang pangkat:
|
Ikalawang pangkat:
|
Ikatlong pangkat:
|
Ikaapat na pangkat:
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
MALUMAY
Ang
tawag sa mga salita na binibigkas ng banayad.
Karaniwan, ang diin ay matatagpuan sa ikalawang pantig ng salita mula sa
hulihan. Ang mga salitang kabilang dito
ay maaaring magtapos ng katinig o patinig.
Kapag ang salita ay nagtapos sa patinig, ang hangin ay tuluy- tuloy na
lumalabas sa bibig.
Halimbawa: kuya kalakal pamamahagi pag- ibig
MALUMI
Ang
mga salitang ito ay banayad din kung bigkasin.
Ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ngunit di katulad ng malumay, ang mga
salitang malumi ay nagtatapos lamang sa patinig. Ang huling pantig ng salita ay binibigkas na
may impit.
Halimbawa: diwa luha hilaga bati kalahati
MABILIS
Ang
mga salitang mabilis ay binibigkas na pabunto.
Anmg diin ay nasa hulihan ng salita.
Ang mga salitang mabilis ay maaaring magtapos sa katinig
o patinig. Kapag ang salita ay nagtapos
sa patinig, ang hangin ay tuluy- tuloy na lumalabas sa bibig.
Halimbawa: salisi kulugo kapatid salabid halaga
MARAGSA
Ang
mga salitang maragsa ay binibigkas din nang mabilis. Ngunit di tulad ng mga salitang mabilis, ang
maragsa ay nagtatapos lamang sa patinig.
Ang huling pantig ng salita ay binibigkas na may impit.
Halimbawa: panibugho bunso lagda salita kaunti

Matatagpuan mo
ang ilang salita sa loob ng kahon.
Isulat ang mga salita sa kolum kung saan ito nabibilang.
opo dukha liit buti puti duwag tapang
baba (chin) saya
(happy) sama (bad) lapit init itim puti
tayog halaman aso (dog) paso (pot) suka (vinegar) puno
(full) araw
daga mata baka (cow) hita bala basa (read) basa (wet)
tahanan matamlay pagnanasa bahaghari kaibigan taliwas bata (child)
|
MALUMAY
|
MALUMI
|
MABILIS
|
MARAGSA
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
I. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang
pag- ibig na iniukol niya sa akin ay suko hanggang langit. Kasingkahulugan ng salita ang
a.
walang halaga b. sukdulan c. tapat d.
kunwari lamang
2.
Hindi ko siya maabutan dahil may pakpak ang kanyang paa. Kasalungat ng salita ang
a.
mabagal b. mabilis c. tamad d.
mahina
3. Ang balitang
kutsero ay isang balitang:
a.
walang katotohahan b. walang
halaga c. nakalimutan d. usap- usapan
4.
Makapal ang mukha: ____________________
a.
matagal sa hirap b.
matapang sa away c. hindi marunong
mahiya d. mahiyain
5.
bulang gugo: ___________________
a.
kuripot b. laging handing gumasta c. masalita d.
sinungaling
6.
Naku, parang uod ang katawan ni Luisa. Paupuin mo nga siya.
a.
masyadong malikot b. payat na payat c. mataba d. may
sakit sa balat
7. Kalamayin
mo ang loob mo. Lahat tayo
ay dumadaan sa pagsubok.
a.
matuwa b. kalimutan ang sama ng loob c. magpakatatag d. magpakahinahon
8.
Akala ko’y tunay siyang lalake, natanso ako.
a.
nadaya b. napaibig c. nasawi d.
naloko
9. Bakit
ganoon si lolo, amoy- beha.
a.
amoy- tabako b. amoy- lupa c. amoy- patay d. amoy- alimuom
10.
Maraming umiiwas kapag dumarating si Berto.
Palibhasa’y maraming gamit ang nawawala kapag dumarating siya.
Si Berto ay
a.
malikot na bata b. masinop na bata c. malikot ang kamay d. maraming salapi
II.
Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na idyoma:
1. Mababaw
ang luha _____________________________________
2. Mahaba
ang dila _____________________________________
3. May
gatas pa sa labi _____________________________________
4. Isang
kahig, isang tuka _____________________________________
5. Matandang
tinali _____________________________________
6. Bahag
ang buntot _____________________________________
7. Basag
ang pula _____________________________________
8. Balat
sibuyas _____________________________________
9. Naniningalang
pugad _____________________________________
10. Magaan
ang pingkok _____________________________________
III. Sumulat ng limang (5) salitang may limang
titik na mahahango mula sa salitang SILABAN
_____________________ _________________________ ______________________
_____________________ _________________________
Aralin 4:
Kahulugan, Gamit at mga Uri ng Tayutay
Sasagutin sa bahaging ito ang mga sumusunod:
a.
Ang ano ang tayutay?
b.
Saan- saan ginagamit ang tayutay at paano nito pinabibisa ang isang
pahayag
c. Anu- ano ang mga uri ng tayutay sa
Filipino?
TAYUTAY ang tawag sa paggamit ng
matatalinghagang pagpapahayag. Nagmumula
ito sa isang inspiradong imahinasyon na sa tulong ng malawak na karanasan sa
buhay, mayamang bokabularyo at maunlad na kasanayan sa pagsasalita, pagbabasa
at pagsusulat, kahit na di na isipin pa ay kusa itong pumipilantik sa dila o
isip.
Ang tayutay ay mapanghamon sa
isipan ng kahit sa sinong indibidwal.
Kailangang maunawaang mabuti ang talinghagang bumabalot sa pahayag na
ito upang mahiwatigan ang diwang di- tuwiran na ipinahahayag nito.
Ang kabisaan ng tayutay ay dapat
tandaan na nasa kasariwaan nito. Ibig
sabihin, binuo ng isang indibidwal na hindi pa ginagamit ng sinumang manunulat
o tagapagsalita.
MGA URI NG TAYUTAY
Mahigit
na animnapu ang uri ng tayutay, bagamat ang naririnig at palasak na ginagamit
lamang ay dalawampu’t isa lamang. Isa-
isahin natin ang mga ito:
PAGTUTULAD (
SIMILE )
Paghahambing
ng dalawang magkaibang bagay. Ito’y
ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad
ng, parang, kawangis ng, kagaya ng, at iba pa. Sa pamamagitan ng mga pariralang ito,
naisasagawa ang paghahambing ng magkatimbang na bagay.
Halimbawa:
Ang
dating ganda niya ay dagling naglaho tulad ng kupasing damit.
Ang
kanyang ama’y parang pulburang madaling magsiklab.
Tumakbo
siyang tulad ng mailap na usa nang ako’y Makita.
Ang
balitang ikakasal ka ay parang tambuling gumising sa buong kanayunan.
PAGWAWANGIS (
METAPHOR )
Katulad
ng pagtutulad, ang pagwawangis ay naghahambing din sa katangian ng dalawang
magkaibang bagay. Ang ikinaiiba lamang
nito sa nauna ay ang tiyakang paghahambing.
Ang pagwawangis ay hindi na ginagamitan ng mga parirala at mga salitang
tulag ng, parang, kagaya ng kawangis at iba pa.
Halimbawa:
Ang
iyong balita ay isang punyal sa kanyang dibdib.
Ang
mga salita ni ina ay isang sulo na gumabay sa akin.
Ang
dalawang kaawa- awang ulila ay mga sisiw na susuling- suling sa paghahanap ng nawawalang ina.
Ang
pag- ibig ay isang halamang nakukuha sa dilig ng maarugaing kamay.
PAGBIBIGAY –
KATAUHAN ( PERSONIFICATION )
Ito’y
isang pahayag na nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa karaniwang
bagay na para bang ang mga bagay na ito ay may buhay at nagagawa ang kilos na
tao lamang ang nakagagawa.
Halimbawa:
Nagbabala
ang madilim na langit.
Lumuluha
ang panahon sa araw ng kamatayan ng isang bayani.
Ang
malamig na hangin ay nagbabalita na ng pagdating ng mesiyas sa sanlibutan.
Kumaway-
kaway ang dahon ng mapanirang dapo sa sanga.
PAGMAMALABIS (
HYPERBOLE / EXAGGERATION )
Ito’y
mga pahayag na sadyang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan ng kalagayan ng tao, bagay, pangyayari at iba pa.
Halimbawa:
Ganggaulo
ng pusa ang subo ng gutom na lalaki.
Sa
sagupaan ng dalawang pangkat, bumaha ng dugo sa kanilang nayon.
Nakalulusaw
ang tingin ng matandang lalaki
Tinalon
ng lalaki ang sampung gusali.
PAGBIBIGAY- ARAL (
PARABLE, FABLE, ALLEGORY )
Sumasaklaw
ito sa tatlong uri ng salaysay:
parabula, pabula at alegorya. Kung iyo ng nabasa ang pabula ng “Leon at
ang Daga”, ang parabulang “ Alibughang Anak” at ang “ Sampung Dalaga”, iyong
masasagot at malalaman ang mga aral na nakapaloob sa naturang mga
salaysay. Iyon ang tutukuying tayutay na
pagbibigay- aral.
PAGPAPALIT- TAWAG
( METONYMY )
Pagpapalit
ng katawagan o ngalan sa mga bagay na tinutukoy. Ang panlaping “meto” sa metonymy ay nangangahulugan ng “ pagpapalit”
o “panghalili”.
Naisasagawa
ito sa pamamagitan ng:
a.
sagisag para sa isinasagisag
Si Prinsesa
Elizabeth ay nagmana ng kurona.
Ang puting
buhok ay dapat igalang
b.
sisidlan para sa isinisilid
Limang kopa ang
nilagok niya
Ang tinapay na
iniabot sa kanya ay ginantihan niya ng bato.
c.
wakas para sa simula o simula para sa wakas
Dahil sa
kanyang di mabuting ginawa ang natanggap niya ay pamalo.
Mapapait na
luha ang nagging bunga ng kanyang kapabayaan.
PAGPAPALIT- SAKLAW
( SYNECDOCHE )
Ang
pahayag na ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng:
a.
pagbanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan
Bawat kamay sa
nayon ay tumulong s pagtatayo ng paaralan
Sampung
nanlilisik na mata ang tumutunghay sa kanya
b.
ang isang tao ay kumakatawan sa pangkat
Isang magiting
na Kayumanggi ang naging sanhi ng kalayaan ng bansa.
PAGLUMANAY (
EUPHEMISM )
Tinutukoy
nito sa lalong malumanay at mabuting pananalita ang tao, bagay o pangyayari na
sa karaniwan ay hindi
tinutukoy ng pagayon.
Halimbawa:
Ang
pinuno ng kanilang samahan ay sinamang palad na nakatagpo ng isang malungkot at
di inaasahang
kamatayan
PAGLILIPAT- WIKA (
TRANSFERRED EPHITETS )
Inililipat
sa mga bagay ang ilang namumukod na pang- uring gamit lamang sa tao. Ito’y nahahawig sa pagbibigay- katauhan.
Halimbawa:
Bumagsak
sa sahig ang matalinong pluma
Ang
mapaglingkod na sapatos ay ipinagbili kong mabigat sa aking kalooban
Inilapag
ng matanda ang kanyang matapat na palakol at siya’y nagpahinga
PAGTATANONG (
RHETHORICAL QUESTION )
Ginagamit
sa pagpapahayag na ito ang pagtatanong upang tanggapin o di tanggapin ang isang
bagay. Ang paraang ito ay higit na mabisa kaysa karaniwang
pagpapahayag.
Halimbawa:
May
ina kayang makatitiis kumain na parang walang anuman sa harap ng kanyang gutom at nakamasid na
mga anak?
Ang
isa kayang dalubhasa at marunong na taong nahirati sa pag- aaral ng agham ay agad na maniniwala sa
mga pamahiin?
PAGSUSUKDOL (
CLIMAX )
Isang
uri ng pagpapahayag na pataas at pabai- baitang ng mga bagay o pangyayari
hanggang sa umabot sa lalong
mahalagang pangyayari.
Halimbawa:
Sa
una, nangulimlim ang mukha ng babae. Mga
ilang saglit pa’y may dalawang butil ng luhang gumulong mula sa kanyang madilim
na mata. Sinikap timpiin ang sama ng
loob ngunit ang pagsisikap niya’y nawalan ng saysay… siya’y napasigaw at
malakas at halos kasabay nito’y biglang bumagsak sa sahig ang magandang
katawan.
PAGDARAMDAM (
EXCLAMATION )
Ang
tayutay na ito ay nagsasaad ng di pangkaraniwang damdamin.
Halimbawa:
O,
anong laking kahihiyan sa isang bayang wala nang magaling kundi ang iba’t
wala ng masama kundi ang kanya!
Aking
ina, ikaw na nagpalaki sa akin at naghirap ay napabayaan ko. Ikaw na hindi natutulog kapag ako’y may
karamdaman, ikaw na gumawa ng lahat ng uri ng gawain mapakain lamang ako…
PAGTATAMBIS (
ANTITHESIS )
Ito’y
paglalahad ng isang bagay na magkasalungat upang mapabisa ang pangingibabaw ng isang tanging kaisipan.
Halimbawa:
Mahirap
pakisamahan ang isang taong katulad niya… sala sa init, sala sa lamig, ayaw sa katahimikan at sa kasayahan,
nayayamot sa mariwasa at sa nagdaralita, naiinggit sa marunong gayundin sa hangal…
PAGSALUNGAT (
EPIGRAM )
Kahawig
ito ng pagtatambis ngunit natatangi lamang sa kaigsihan at katalinghagaan. Ang mga salitang pinag- uugnay
dito at may magkasalungat na kahulugan.
Halimbawa:
Ang
lakas ng mga babae’y nasa kanilang kahinaan.
Madalas
mangyari na ang kagandahan ay nasa kapangitan.
Ang
kawal ay namatay upang mabuhay
PAGTAWAG (
APOSTROPHE )
Pakikipag-
usap sa karaniwang bagay na tulad ng sa tao.
Ang karaniwang bagay na walang buhay ay mistulang may dambamin at ito ay
nakikinig at maaaring mangusap.
Halimbawa:
O,
buwan, sumikat ka’t aliwin mo ako sa aking pangungulila!
Pag-
asa, pag- asa, ako’y lapitan nang ako’y yumaman sa karalitaan!
Panibugho,
panibugho, ikaw ay kaaway Ng dalawang pusong
tapat magmahalan
PAG- UYAM
Gumagamit ng pahayag
na mabubuti ngunit kabaligtaran naman ang ideya ng sinasabi
Halimbawa:
Sadyang kayganda ng
iyomg katawan, kaygandang pansalok ng tubig sa batalan.
PAGHIHIMIG (Onomatopoeia)
Mga
pahayag na ginagamitan ng mga salitang nagtataglay ng tunog
Halimbawa:
Ang dagundong ng kulog ay lalong lumalakas at…
Gawing pagtutulad, pagwawangis, pagmamalabis, pag- uyam,
pagpapalit tawag, pagpapalit saklaw, o pagbibigay- katauhan o anumang tayutay
ang sumusunod na pahayag. Isulat kung
anong uri ng tayutay ang binuo:
1. malambot na puso __________________________________________________________
2. di- maliparang uwak __________________________________________________________
3. di- nagbabanat ng buto __________________________________________________________
4. nagtetengang- kawali __________________________________________________________
5. may nunal sa batok __________________________________________________________
6. salubong ang kilay __________________________________________________________
7. amoy- lupa __________________________________________________________
8. maglaro ng apoy __________________________________________________________
9. walang bayag __________________________________________________________
10. manungkit ng bituin __________________________________________________________
11. maningalang- pugad __________________________________________________________
12. maitim ang buto __________________________________________________________
13. isang kahig isang tuka __________________________________________________________
14. makati ang dila __________________________________________________________
15. malikot ang kamay __________________________________________________________
16. mababa ang kamay __________________________________________________________
17. nagmumurang kamias __________________________________________________________
18. berde ang dugo __________________________________________________________
19. pusong mamon __________________________________________________________
20. pusong bato __________________________________________________________
GAWAIN 1: Pangkatang
gawain. Pag- usapan at isagawa ang mga
sumusunod na gawain.a Tanong na Dapat Sagutin
|
|||
Ano ang paksa na nais aralin?
Hinggil saan ito?
( Isulat ang pamagat sa column B)
|
Paksa:
|
||
Anu- ano ang mga nais malaman sa nabuong
paksa?
(Isulat ito nang patanong sa column
B)
|
Mga Suliranin:
|
||
Sino ang kasangkot (respondents) sa
pag- aaral na isasagawa? Kailan at
saan gagawin ang pag- aaral?
|
Lawak at Limitasyon:
|
||
Ano sa inyong palagay ang kalalabasan ng
isasagawang pag- aaral (isulat ito sa column B)
|
Haypotesis:
|
Rubrics: Pamagat at suliranin 10
puntos
Lawak at Haypotesis
5 puntos
Paglalahad
sa klase 10 puntos
ARALIN
5: PANANALIKSIK (KABANATA 1 AT ANG MGA
BAHAGI NITO)

Ang mga bahagi ng kabanata 1
(Panimula at Paglalahad ng Layunin):
Pamagat
Panimula
/ Introdaksyon
Paglalahad
ng Suliranin
Modelong
Konseptwal
Haypotesis
Saklaw
at Limitasyon
Kahalagahan
ng Pag- aaral
Katuturan
ng mga Termino
Paano sinisulat ang panimula?
Ang
panimula / introdaksyon ay may layuning makapagbigay ng masaklaw na impormasyon
hinggil sa paksang pinag- aaralan. Ito
ay patungo sa mabilis na pag- unawa at pagtaya sa paksang sinasaliksik:
1.
Kailangan
sa isang panimula / introdaksyon ang paglalahad ng rasyunal ng piniling paksa,
kung bakit piniling aralin ang ito at kung ano ang mga layunin bakit kailangang
saliksikin.
2.
Nangangailangan
din itong makapaglahad ng mga ideya mula sa ilang babasahin at dalubhasa na
magpapatunay na mahalagang aralin ang paksang sinasaliksik. Ang mga patunay ay sinisipi at maayos na inilalahad
upang makapagbigay ng lalo pang ikauunawa sa paksang pinag- aaralan.
3.
Ang
mga suliranin at mga layunin ng pananaliksik at kahalagahan ng pag- aaral ay
maingat na inilalahad sa bahaging ito
4.
Mahalaga
ring magbigay ng impormasyon hinggil sa mahahalagang termino sa bahaging ito,
gayundin ang saklaw at limitasyon ng pag- aaral.
Ano ang modelong konseptwal ng pag-
aaral?
Ang modelong konseptwal
ng isang pag- aaral ay naglalahad kung paano natukoy ng mga mananaliksik na
dapat at kailangang aralin ang paksa.
Inilalahad din ang pagsusunud- sunod ng ideya upang maayos na maisagawa
ang piniling paksa. Maaaring malahad ito
sa pamamagitan ng pagbuo ng hanayan o figure
upang madaling maipakita ang kaugnayan ng piniling paksa sa mga panlabas na
salik.
|
ARALIN 6: PANANALIKSIK (KABANATA 3 AT ANG MGA BAHAGI
NITO)

Kabanata
1: Kabanata
2: Kabanata
3:
Pamagat Literatura
at Kaugnay na Pag- aaral Metodolohiya
ng Pag- aaral
Panimula
/ Introdaksyon Kaligiran
ng Pag- aaral
Paglalahad
ng Suliranin Respondents
Modelong
Konseptwal Instrumento
ng Pag- aaral
Haypotesis Treatment
ng mga datos
Saklaw
at Limitasyon
Kahalagahan
ng Pag- aaral
Katuturan
ng mga Termino
Kahulugan ng
Pagbasa
Ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa
pahina. Ito,y isa sa apat na kasanayng pangwika, kasama nito ang pakikinig,
pagsasalita at pagsusulat.
Ito’y interpretasyon ng mga nakalimbag na
simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na
sagisag ng mga kaisipan.
Mga Bagay na Dapat
Isaalang-alang sa Pagbasa
1. Tiyaking nasa kondisyon ang mga paningin.
2. Iwasan ang maingay na kapaligiran. Kailangan ang isang
tahimik, mahangin/malamig at maliwanag na kapaligiran.
3. Kailangan ang tiyak na layunin sa pagbasa.
4. Isang malaking tulong sa pagbabasa ang malawak na
talasalitaan.
5. Mahalaga rin ang ang lubos na kaalaman sa mga bantas.
Limang Dimensyon
ng Pagbasa
I. Unang dimension- Pang-unawang Literal
1.
Pagpokus ng atensyon sa mga ideya at impormasyong maliwanag na sinasabi ng
babasahin.
2.
Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha ng
kahulugan nito ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap
II. Ikalawang
Dimensyon- Interpretasyon
1.
Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga taludtod kung tula.
2.
Pagkuha ng malalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha nang literal.
3.
Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga pahayag o salita na hindi tuwirang
sinasabi sa aklat.
4.
Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may-akda kasama pati ang mga implikasyon at
karagdagan kahulugan nito.
III. Ikatlong Dimensyon-
Mapanuring Pagbabasa
1.
Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa
2.
Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang partikular na suliranin
3.
Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa
a.
katangian
b.
kabuluhan
c.
katumpakan
d.
pagkamakatotohanan
4.
Pagbibigay ng sariling reaksyon.
a.
naibigan o di naibigan ginawa ng tauhan
b.
sang-ayon o di sang-ayon sa naging gawi o kilos
c.
makakita ng mga kaisipang nakagugulo ng damdamin o kaya’ y
nakapagpapalubag-loob
5.
Gumawa ng tiyak na pagpapasya sa pamamagitan ng paghahambing
IV. Ikaapat na
Dimensyon- Aplikasyon
1.
Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa
2. Pagpapahayag
ng kaisipan tungo sa pagsasagawa
3.
Pag- iisa- isa ng mga dapat gawin, o pagbibigay ng mga hakbang upang maisagawa
ang isang bagay.
V. Ikalimang
Dimensyon- Pagpapahalaga
a.
Pagdama sa kagandahan ng ipinahihiwatig ng nilalaman ng kwento.
b.
Pagbasa upang matugunan ang bisa ng sikolohiya ng pamamaraan ng may-akda o ang
masining na elemento nito.
PAGSASANAY 1
Panuto: Pakinggan
ang awit. Sumulat ng mga tanong na ayon
sa limang dimensyon ng pagbasa.
Bayan Ko (Awit)
Orihinal na titik
ni Jose Corazon de Jesus mula sa musika ni Constancio de Guzman. Muling inawit
ni ni Freddie Aguilar at naging
makasaysayang awitin noong panahon ng rebolusyon (1986).
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!


Pangalan:
_________________________ Puntos: ______________
Oras / Araw ng klase: ________________ Petsa: _______________
Tagawasto:
_______________________

Panuto: Isulat ang 1
kung ang katangian ng pahayag ay literal, 2
kung interpretasyon, 3 kung mapanuri, 4 kung aplikasyon at 5
kung pagpapahalaga,
_______1. Gumawa ng tiyak
na pagpapasya sa pamamagitan ng paghahambing
_______2. Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung
kwento at mga taludtod kung tula.
______ 3.
Pagpokus ng atensyon sa mga ideya at impormasyong maliwanag na sinasabi
ng babasahin.
______ 4.
Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga pahayag o salita na hindi
tuwirang sinasabi sa aklat.
______ 5.
Pagpapahayag ng kaisipan tungo sa pagsasagawa
______ 6. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa
katangian, kabuluhan, katumpakan, pagkamakatotohanan
______ 7. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang
kahulugan ng salita, o pagkuha ng kahulugan nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap
______ 8. Pagdama sa kagandahan ng ipinahihiwatig ng
nilalaman ng kwento.
______ 9. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng
binabasa sa karanasan ng bumabasa
______ 10. Pag- iisa- isa ng mga dapat gawin, o
pagbibigay ng mga hakbang upang maisagawa ang isang bagay.
______ 11. Pagbasa upang matugunan ang bisa ng
sikolohiya ng pamamaraan ng may-akda o ang masining na elemento nito.
______ 12. Pagkuha ng malalim na kahulugan
______ 13. Pagbibigay ng sariling reaksyon kung naibigan o di naibigan ginawa ng tauhan
______ 14. Pagbanggit kung sang-ayon o di sang-ayon sa naging gawi o
kilos
______ 15. Paglalahad ng tunay na kaisipan ng
may-akda kasama pati ang mga implikasyon at karagdagan kahulugan
nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento