Ang blog na ito ay para sa lahat ng mga interesado sa wikang Filipino. Itoý sadyang nilikha para sa lahat ng may pagpapahalaga sa wika - sa kasaysayan, pag- unlad at sa kinabukasan nito.
Tungkol sa Akin

- Rodel
- Nueva Vizcaya, Region 2, Philippines
- Maging bahagi sa pagpapaunlad ng wikang kinagisnan. Magbahagi ng iyong mga kaalaman sa anumang disiplina. Para sa atin ito!
Huwebes, Pebrero 27, 2014
Research sample
Ang mga Learning Styles ng mga Mag-aaral ng Accountancy
Kaugnay ng mga Piling Baryabol
Isang
Pag-aaral Na Iniharap sa:
School of Arts
and Sciences
Languages
Department
Saint Mary’s
University
Bayombong, Nueva
Vizcaya
Nina:
Kenneth Paolo Agacer
Josephine Aguilar
Nicole Alonzo
Louise Aldeim T.
Burgos
Katrina Claudine
Maribbay
Joshua R. Mabborang
Kristine Dianne Sampaga
March
2013
ABSTRAK
Nais
matuklasan ng mga mananaliksik ang mga learning
styles ng mga mag-aaral sa seksyon A at B ng ikalawang taon ng School of
Accountancy. Kaugnay dito, nais din malaman ng mga mananaliksik kung anu-ano
ang kanilang mga learning styles batay
sa kanilang kasarian at academic
performance o standing.
Ang
resulta ay ang mga sumusunod: ang mga mag-aaral ng BSA2A ay mas nakapag-aaral
kapag sila ay nag-iisa; kapag sila lamang ang gumagawa ng paraan upang
makapag-aral nang mabuti ngunit kulang sila sa istilong ginagamitan ng mga
aksyon o galaw at ang paggamit ng sense
of touch. Sa BSA2B naman, sila ay mas nakapag-aaral gaya ng BSA2A, nang
mag-isa at hindi nakadepende sa iba; hindi rin sila gaanong nakapag-aaral kung
gagamit ng mga aksyon o galaw.
Batay
sa kasarian, ang kababaihan naman ng BSA2A ay mas nakapag-aaral gamit ang mga
biswal; sa kalalakihan, nakapag-aaral din sila kapag nasusuportahan ang
kanilang pag-aaral ng mga biswal, sila rin ay nakapag-aaral nang mag-isa. Ang
mga kababaihan at kalalakihan naman sa BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa
at hindi nakakapokus sa grupo.
Batay
naman sa academic performance, ang academic scholars ng BSA2A ay nakapag-aaral
gamit ang mga biswal; ang non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang
mag-isa at sa tahimik na kapaligiran. Ang nag-iisang academic scholar naman sa
BSA2B ay nakapag-aaral gamit ang mga biswal at nakakapokus sa kaniyang
pag-aaral knug siya ay mag-isang nagsisipag; ang mga non-academic scholars
naman ay nakapag-aaral nang mag-isa na walang tulong sa iba.
i
PASASALAMAT
Unang-una asa lahat, gusto naming pasalamatan ang Panginoong
Diyos na nagbigay sa amin ng talento, kakayahan at talino upang magawa itong
pananaliksik at salamat po sa paggabay sa amin.
Nais din naming pasalamatan ang mga sumusunod:
Ang aming mga magulang sa pag-unawa at pagsuporta lalo na
sa aming mga gastusin.
Ang mga respondents
na galing sa seksyon A at B ng ikalawang taon ng School of Accountancy sa
partisipasyon at sa pagsagot sa aming questionnaire.
Sa aming guro, Sir Rodel, na nagbahagi ng kaniyang
kaalaman at galing sa aming pananaliksik, salamat po sa ibinigay ninyong
suporta at mga konsiderasyon.
Salamat sa inyong lahat.
Mga
Mananaliksik
ii
PAGHAHANDOG
Ang pag-aaral na ito ay taos-puso naming inihahandog sa
mga taong walang sawang sumuporta at tumulong sa pagtapos n gaming pag-aaral.
Ito ay para sa mga sumusunod:
Sa aming mga magulang, sa pagbibigay ng moral at
pinansyal na suporta sa amin.
Sa aming mga kaibigan, na parating nariyan upan kami ay
hikayatin na ipagpatuloy ang aming pag-aaral ano man ang mangyari.
Higit sa lahat, para ito sa Poong Maykapal na patuloy
kaming ginagabayan, Ikaw ay nagsisilbing inspirasyon sa aming lahat.
Mga
Mananaliksik
iii
TABLE OF CONTENTS
Pahina
Pamagat
Abstrak i
Pasasalamat ii
Paghahandog iii
Table of Contents iv
KABANATA I. Ang
Suliranin at ang Batayan ng Pag-aaral
Batayan ng Pag-aaral 1
Paglalahad ng Suliranin 4
Paglalahad ng Hipotesis 4
Kahalagahan ng Pag-aaral 4
Saklaw at Limitasyon 5
Depinisyon ng mga Katawagan 6
KABANATA II. Ang
Literatura at ang Kaugnay na Pag-aaral
Literatura 7
Kaugnay na Pag-aaral
8
KABANATA III. Ang
Metodolohiya ng Pag-aaral
Metodolohiya
ng Pag-aaral 10 Kaligiran ng Pag-aaral 11
Respondents 11
Mga Instrumento ng Pag-aaral 12
iv
Proseso ng Pagsusuri 12
KABANATA IV. Paglalahad
at Pagpapakahulugan ng Datos 13
KABANATA V. Buod,
Konklusyon at Rekomendasyon
Buod 31
Konklusyon 32
Rekomendasyon 33
APPENDICES 34
BIBLIOGRAPHY 41
CURRICULUM VITAE 42
v
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT ANG BATAYAN NG
PAG-AARAL
Batayan
ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ay mahalagang sangkap
patungo sa magandang kinabukasan ng isang mag-aaral.
Iba-iba ang katangian at ugali ng
mga kabataan na nag-aaral sa ngayon kung kaya’t iba-iba rin ang paraan ng mga
ito patungkol sa kani-kanilang mga asignatura; ang dahilan nito ay ang mga
sumusunod: impluwensya ng mga kapwa kamag-aral, kawalan ng oras at interes sa
pag-aaral at hindi naaayon na paraan ng pag-aaraal.
Dahil dito, ang mga guro ay
inaasahang mas sikaping maturuan at mabigyan ng atensyon ang bawat isa upang
maiwasan ang mga pagbagsak ng kaniyang mga estudyante.
Sa araling English ay may apat na macro-linguistic skill; gayundin sa
Filipino, ang mga ito ay ang: PAGBASA, ito ay ang pagkilala sa mga simbulo o
sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o
kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat sa kaisipan ng mambabasa. Dito ay
kailangan ng matalinong pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga mensahe ng may
akda. Mayroon ding kahalagahan ito:
1. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay
nadadagdagan ang mga kaalaman sa lahat ng larangan.
2. Napapayaman ang kaisipan at
napapalawak ang talasalitaan.
3. Nakakarating sa mga pook na hindi
pa nararating o hindi na mararating at maglakbay sa panahon sa pamamagitan ng
pagbabasa.
1
4.
Maaaring nahuhubog ang kaisipan at paninindigan batay sa mga nababasang akda.
5. Nakapagbibigay ng mga mahahalagang
impormasyon na kakailanganin sa pag-aaral sa pamilya, at sa pangglobal na
kaalaman.
6. Maaaring makatulong sa mabibigat
na suliranin at nakakagaan ng damdamin dahil sa mga kaalaman, ideya, kaisipan
at pilosopiya sa nakuha o napulot sa pagbabasa at
7. Nagbibigay ng inspirasyon at
nakikita ang iba’t ibagn antas ng buhay at anyo ng daigdig. (Mercedes Rodrigo,
2009)
Ang PAGSASALITA naman ay ang
sinasabing susi ng pag-unlad ng isang tao mula ng natutong magsalita. Ito ay
ang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, sa pamilya, sa kapaligiran, sa
lipunan at kung saan man siya makarating. Sa pagsasalita nasasalamin ang
pagkatao at kultura ng isang tao, sa pamamagitan ng mga salita na kanyang
ginagamit at ang lipunang kanyang ginagalawan. (Mercedes Rodrigo, 2009)
Dalawa pa sa mga ito ay ang
PAGSULAT, ito ay ang pagsasatitik ng mga sagisag ng kaisipan. Ito rin ay
paglilimbag ng mga sagisag ng lenggwahe, mga ideyang isinasalin sa papel o sa
anumang maaaring pagkulungan ng mga karunungan gamit ang mga pinagsama-samang
mga salita, simbulo at ilustrasyon na may layuning maihayag ang mga kaisipan at
saloobin. Ang kahalagahan naman ng pagsusulat ay:
1. Nagkakaroon ng palagiang tala na
nagsisilbing batayan ng anumang karunungan sa hinaharap.
2. Nagiging posible ang malayuang
pakikipagtalastasan.
3. Higit na nagkakaroon ng magandang
unawaan ang mga mamamayan.
2
Ayon pa kina Peck at Buckingham
(1976), ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng mag-aaral sa
kanilang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. (Romeo Gonzalvo Jr, 2011)
Huli ay ang PAKIKINIG, upang
makarinig ay kinakailangan na ang mga tunog na mensaheng hatid ng hangin ay
nauunawaan at naiinterpret ng tainga at mata. Kailangan ang pakikinig upang:
1. Makakuha ng impormasyon.
2. Magsuri o magmasid at
3. Maglibang.
Katulad ng iba, marami ring sikat at
matalinong mga idolo ng masa ang may mga learning
styles, kabilang dito ay si Albert Einstein, siya ay palaging nanaginip ng
gising. Si Winston Churchill naman ay unti-unting natuto upang maging magaling
na tagapagsalita. Ang magaling na si Thomas Alva Edison ay mahilig magtanong
nang magtanong, masagot lamang ang kaniyang mga tanong; gusto rin niyang
mag-isa sa kaniyang mga eksperimento at pag-aaral.
Dahil dito, napag-isipan ni Harvard
Professor of Education, Howard Gardner na ang isang tao ay may pitong iba-ibang
intelligence centers, ang mga ito ay
ang: Linguistic Intelligence,
Logical-Mathematical Intelligence, Visual-Spatial Intelligence,
Bodily-Kinesthetic Intelligence, Musical Intelligence, Interpersonal
Intelligence at Intrapersonal
Intelligence.Karagdagan pa rito ay ang anim nalearning styles na Auditory,
Group, Individual, Kinesthetic, Tactile at Visual.
Madami talagang learning styles ang mga tao dahil sumusunod sila sa paraan kung
saan sila naaangkop at mas nababagay.
3
Paglalahad
ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay sumagot sa
mga sumusunod na katanungan:
1.
Anu-ano ang mga learning styles ng
mga ‘Accountancy students’ ng ikalawang taon?
2.
Anu-ano ang mga relasyon ng learning
styles ng mga mag-aaral patungkol sa mga piling baryabol:
a. kasarian
b. academic standing
Paglalahad
ng Hipotesis
Ang mga mag-aaral ng School of
Accountancy ay may mga learning styles na
ginagamit sa kanilang pag-aaral.
Ang mga learning styles na ito ay maaaring may kaugnayan sa mga piling
baryabol.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga
para sa mga sumusunod: Una, sa mga mag-aaral
lalo na sa mga kasangkot dito. Makatutulong din ito upang mas makilala pa ng
mga nasabing mag-aaral ang kanilang mga sarili. Magkakaroon sila ng ideya kung
saang learning style sila mas
magiging kumportable nang sa gayo’y mas makakapag-aral sila nang mabuti at mas
maintindihan nang maayos ang mga aralin na makakapagtaas ng kanilang mga grado.
4
Pangalawa,
para sa mga guro, upang mataya nila
kung gaano ba naiintindihan ng kanilang mga mag-aaral ang mga isinagawang
leksiyon. Makakukuha pa sila ng gabay kung ano ang nararapat nilang ibigay na
mga pagsubok o takda para sa kanila. Bukod dito, mas magkakaroon ng tulungan
kasama ang guro.
Pangatlo, para sa mga magulang, upang mas maintindihan nila
ang kanilang mga anak sa kanilang paraan ng pag-aaral; mas magiging madali para
sa kanila na gabayan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.
Pang-apat, sa administrasyon, upang matutukan ang mga mag-aaral na kulang sa learning strategies. Maaari silang
makakuha ng mga learning styles na
pwede nilang ibahagi sa mga iba pang mag-aaral.
Panghuli, sa iba pang mga mag-aaral, upang magkaroon ng inspirasyon at tulong
para sa pag-aaral nila at upang makatuklas pa sila ng iba’t ibang ideya kung
ano nga bang learning styles ang
maaari nilang gamitin na mas makakatulong para sa kanilang pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
Ang kasangkot sa pag-aaral na
isinagawa ay ang mga mag-aaral ng Accountancy ng ikalawang taon, (seksyon A at
B), ito ay ginawa sa campus ng Saint Mary’s University, Enero-Pebrero 2013.
Limitado ang pag-aaral na ito sa
anim na learning styles na:
a. Auditory
b. Group
5
c.
Individual
d. Kinesthetic
e. Tactile
f. Visual
Depinisyon ng mga Katawagan
a.
learning style/strategy – istilo ng
pag-aaral na gumagabay sa mga mag-aaral na Accountancy.
b. macro-linguistic skill – mahahalagang
sangkap upang maintindihan ang wika.
c.
intelligence centers – kung saan
naaayon ang tao batay sa kaniyang galling.
d.
respondents–kasangkot sa pag-aaral
e.
academic standing – isang paraan upang mataya ang galling ng mga mag-aaral; ito
ay base sa kanilang galling at talino.
f.
pangglobal na kaalaman – napapanahong kaalaman ukol sa nagaganap sa mundo.
g.
Auditory – nakapag-aaral gamit ang
pakikinig (musika, sound effects)
h.
Group – nakapag-aaral kasama ang iba
(dyads, triads, cooperative learning)
i.
Individual– nakapag-aaral nang
mag-isa
j.
Kinesthetic– nakapag-aaral gamit ang
mga aksyon o galaw (sayaw, choreography,
role playing, skit)
k.
Tactile– nakapag-aaral gamit ng
pag-eeksperimento
l.
Visual– nakapag-aaral gamit ang mga
biswal.
6
KABANATA 2
ANG LITERATURA AT ANG KAUGNAY NA PAG- AARAL
Literatura
Ang pag-aaral na ito ay sumasakop sa
apat na macro-linguistic skill pagbasa,
pagsulat, pagsalita at pakikinig at ang mga learning
styles na mayroon ang mga mag-aaral.
Sa simpleng pagpapakahulugan, ang
pagbasa ay ang ang pagkilala sa mga simbulo o sagisag ng nakalimbag at
pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat
na ilipat sa kaisipan ng mambabasa. Ayon kay Rodrigo (2009), ang pagsasalita ay
ang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, sa pamilya, sa kapaligiran, sa
lipunan at kung saan man siya makarating.. Ang pagsulat naman ay binigyang
kahulugan ni Gonzalvo (2011), sinabi niya na ang pagsulat ay ang pagsasatitik
ng mga sagisag ng kaisipan. Ang pakikinig ay pag-interpret ng mensahe gamit ang
tainga.
Napapaloob din dito ang mga learning styles sa pag-aaral ng mga
mag-aaral. Ang mga learning styles na
ito ay maaaring Auditory, ito ay ang
pag-aaral gamit ang pakikinig; Group,ito
ay ang pag-aaral kasama ang ibang tao; Individual
,ito ay ang pag-aaral nang mag-isa;
Kinesthetic, ito ay ang pag-aaral gamit ang aksyon o galaw; Tactile, ito ay ang pag-aaral gamit ang
pag-eeksperimento o paggamit ng kamayat Visual,
ito ay ang pag-aaral gamit ang mga biwsal.
7
Ayon
kay Howard Gardner, isang guro sa Harvard, kaugnay sa mga ito ay ang
intelligence centers na mayroon ang isang tao, ang Linguistic Intelligence, Logical-Mathematical Intelligence,
Visual-Spatial Intelligence, Bodily-Kinesthetic Intelligence, Musical
Intelligence, Interpersonal Intelligence at Intrapersonal Intelligence.
Kaugnay na Pag- aaral
Ayon
kay Tomas (1980), sa pag-aaral nina Coleman, Elliot at Strang ay may kinalaman
sa study habits and attitudes; sa 113
na sanhi ng pagbagsak sa klase na isinaad ni Coleman, isa sa mga ito ay ang poor study habits. Ayon naman kay
Elliot, 75% ng pagbagsak sa klase ay dahil sa poor study and examination techniques. Sumang-ayon dito si Strang
na isa sa mga dahilan ay ang mali o hindi mabuting pagbabasa at pag-aaral.
Si Ramirez (1967), naman ay
nagsagawa ng pag-aaral ukol sa Non-intellective
Factors in High School Academic Achievement of High-ability Students. Ang
kaniyang surbey ay tungkol sa study
habits and attitudes. Ayon sa kanya, kinakailangang maimpluwensyahan ang
mga mag-aaral upang mas magkaroon sila ng oras sa kanilang pag-aaral at magamit
ang mga pasilidad ng paaralan katulad ng silid-aklatan at study zones tuwing bakanteng oras ng mga ito.
Ayon sa pag-aaral na Effects of a Proposed Program of Group
Learning Strategies on the Study Habits and Attitudes of Freshmen College
Students ni Damaso (1951), ang
pag-aaral tungkol sa study habits ang
attitudes ay may mga natatanging resulta: una, ang academic performance ay maaaring maimpluwensyahan ng paraan ng
pag-aaral ng isang mag-aaral.
8
Ikalawa,
ang positibong pananaw sa paaraalan ay may relasyon sa academic performance. Ikatlo, kahit malaki ang pagkakaiba ng mga
mag-aaral, ang mga paraan at katangian nila sa pag-aaral ay direktang
nakokontrol ang academic performances ng
mga ito.
Ayon
naman kay Balandra (1972), sa Cadiz City High School, 28.26% ng mag-aaral ay
may talagang planong mag-aral, 26.07% lang ang mas gustong mag-aral kaysa
manood ng mga films kasama ang mga
kaibigan pagkatapos ang klase, 39.96% naman ang mga mag-aaral na nagbabasa ng
mga komprehensyon at 69.56% ang umiiwas sa pakikipag-usap o pakikinig sa radio
habang nag-aaral.
Sa isinagawang pag-aaral ni Dela
Cerna (2008), napag-alaman na ang mga karaniwang kamalian ng mga mag-aaral ay
tungkol sa gramatikal na paggamit ng wikang Filipino: sa paggamit ng bantas,
malaking titik, angkop na anyo ng mga salita at tanging gamit ng salita.
Madami ang kaugnay ng pag-aaral na
ito na mas makakatulong upang magkaroon ng mga gabay ang mga researchers tungo sa inaasahang bunga ng
isinagawang pag-aaral ukol sa mga learning
styles ng mga napiling mag-aaral.
Sa mga nasuring mga kaugnay ng
pag-aaral na ito, sadyang masasabi na madaming factors sa academic
performance ng mga mag-aaral. Makikita rin na nakasalalay ang academic performance ng isang mag-aaral
sa kaniyang galling o talino sa larangang kaniyang kinabibilangan.
9
KABANATA 3
ANG METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Metodolohiya ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa
upang malaman ang mga learning styles namayroon
samga mag-aaral, ito ay ginamitan ng palarawang pamaraan na surbey. Ang
pamaraang surbey, ayon sa Microsoft Premium (2009), ay ang koleksyon at
pag-interpret sa mga sagot ng isang populasyon sa mga poll o questionnaire na ibinigay na nais malaman ang kanilang mga
opinyon, katangian tungkol sa isang particular na sitwasyon.
Ang ibinigay na questionnaire ay may
18 natanong. Pagkatapos sagutan ng mga respondents,
ay kinolekta ang mga papel upang i-tally
ng mga researchers.
Isinagawa
ang mga sumusunod na hakbang:
FIGURE
1. Hakbang ng Pag-aaral
>Unang Hakbang:
Pagbuo at pagwawasto ng talatanungan.
>Ikalawang Hakbang:
Aktwal na surbey:
Pagbigay ng mga questionnaire sa mga respondents.
|
>Ikatlong Hakbang:
Pag-aaral sa mga nakalap na datos.
>Ikaapat na Hakbang:
Pagtukoy sa mga learning styles ng mga mag-aaral.
|
10
Kaligiran
ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa
kampus ng Saint Mary’s University, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon sa Administrative, Faculty and Staff Manual (2006)ngnasabingpaaralan,
isinasaadnitona:
“Saint Mary’s University of Bayombong as a
Filipino, Catholic and Missionary institution of higher learning, draws its
vision and orientation form the Constitutional Mandate of the 1987 Philippine
Constitution, the educational goals expressed in the Education Act of 1982, the
philosophy of the Commission on Higher Education and Department of Education,
the Apostolic Constitution on Catholic Universities “Born from the Heart of the
Church”, and the vision-mission and directives on the Educational Apostolate of
the Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM).”
Ang
paaralang ito ay may tinatawag na 4C’s naCompetence,
Creativity, Community-Supportivess at
Christian Discipleship.
Respondents
Ang
kasangkot sa pag-aaral na ito ay ang seksyon A at B ng ikalawang taon ng School
of Accountancy. Ang seksyon A ay may kabuuang 34, 12 ang lalake habang 22 naman
ang mga babae; 23 ang academic scholars at 11 ang non-scholars. Sa seksyon B
naman ay may kabuuang 31, 10 ang lalake at 21 naman ang mga babae; 1 lamang ang
academic scholar at 30 ang non-academic scholars.
11
Mga Instrumento sa Pag-aaral
Ang
instrumentong ginamit ng mga researchers sa
pag-aaral na ito ay ang surbey o ang paggamit ng mga questionnaire. Ang unang
bahaging questionnaire ay ang pagkuhang personal naimpormasyon sa mga respondents at ang ikalawang bahagi
naman ay ang pag-alam sa mga learning
styles na mayroon ang mga mag-aaral, ito ay mga situational-based na mga pangungusap. Ang pagsagot ng mga respondents ay batay sa scale na 1- hindi, 2- hindi gaano, 3-
minsan, 4- kadalasan at 5- palagi.
Proseso ng Pagsusuri
Ginawa ng mga researchers ang mga questionnaire at
ipinawasto naman ang mga ito sa guro. Pagkatapos ng pagwasto ay sinimulan na
ang pagbigay ng mga questionnaire sa mga respondents
at sa kakinolekta ng mga researchers para
sa pag-interpret ng nakalap na datos.
Ang questionnaire ay
binuo upang malaman ang mga learning
styles ng mga mag-aaral batay sa kasarian at academic standing. Pinahalagahan ng mga researchers ang mga learning
style na pinakanakikita sa mga mag-aaral at ang mga learning style na hindi masyadong nakikita sa mga ito.
12
KABANATA 4
PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG
DATOS
Ang kabanatang ito ay nagpapakita sa mga nakalap na datos
na nanggaling sa mga sagot ng mga kasangkot sa pag-aaral ukol sa Learning Styles. Ang unang bahagi nito
ay ang distribusyon ng mga kasangkot batay sa mga baryabol na seksyon, pagiging
academic scholar o non-academic scholar at kasarian. Ang ikalawang bahagi naman
ay ukol sa mga nakuhang resulta gamit ang frequency
at percentage.
I. PROFILE NG MGA RESPONDENTS
TABLE
1.1 Distribusyon ng
mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2A
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
FEMALE
|
23
|
72%
|
MALE
|
9
|
28%
|
TOTAL
|
32
|
100%
|
Makikita sa talaan na may 72% na babae sa seksyon A ng
ikalawang taon sa Accountancy at 28% naman ang mga lalake. Dito ay makikitang
mas madami ang kababaihan na nag-enroll sa
Bachelor of Science in Accountancy ng
ikalawang taon kaysa sa lalake; marahil sanhi nito ay ang hilig ng mga
kababaihan sa pagbilang at pag-analyze.
13
TABLE
1.2 Distribusyon
ng mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2B
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
FEMALE
|
21
|
68%
|
MALE
|
10
|
32%
|
TOTAL
|
31
|
100%
|
Sa talaan ay makikita na 68% ang babae sa seksyon B ng
ikalawang taon sa Accountancy at 32% naman sa lalake. Mas nakalalamang ang dami
ng kababaihan kaysa sa lalake; isang dahilan siguro nito ay ang kawalan ng
interes ng mga lalake sa Accounting o
Math.
TABLE
2.1 Distribusyon ng
mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2A
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
ACADEMIC
SCHOLARS
|
23
|
72%
|
NON-ACADEMIC
SCHOLARS
|
9
|
28%
|
TOTAL
|
32
|
100%
|
Sa talaan na ito makikita na 72% ang academic scholars sa seksyon A at 28% naman sa non-scholars. Higit na mas marami ang mga academic scholars kaysa sa mga hindi scholar, dahil na rin ito sa Averaging
System of Sectioning; ang bilang naman ng mg aacademic scholars ay maaaring dahil sa sikap ng mga mag-aaral sa
seksyon na ito.
14
TABLE
2.1 Distribusyon ng
mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2B
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
ACADEMIC
SCHOLARS
|
1
|
3%
|
NON-ACADEMIC
SCHOLARS
|
30
|
97%
|
TOTAL
|
31
|
100%
|
Makikita sa talaan na 3% angacademic scholars sa seksyon B at 97% naman ang non-academic scholars. Dito ay
mapapansing mas madami ang non-scholars, maaaring
dahil ito sa kawalan ng oras para sa mga importanteng bagay gaya ng pag-aaral.
Sa unang suliranin,
narito ang mga resulta na mayroong mga nakasuportang tsart:
TABLE
3.1 LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa KASARIAN
LEARNING
STYLE ng BSA2A (babae)
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
174
|
15%
|
Group
|
183
|
16%
|
Individual
|
222
|
19%
|
Kinesthetic
|
181
|
15%
|
Tactile
|
204
|
17%
|
Visual
|
209
|
18%
|
TOTAL
|
1173
|
100%
|
15
CHART
1.2 LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa KASARIAN
Makikita sa tsart na ang kababaihan
sa BSA2A ay may 18% na antas sa learning
style na Visual, 15% naman sa learning styles na Kinesthetic at Tactile;
mas nakalalamang ang learning style na
Visual sa kababaihan; sila ay nakapag-aaral
gamit ang biswal at mas nagagamit ang mga mata upang ma-decode ang mga patterns na
nakikita para makapag-aral nang mabuti, ngunit, maaaring hindi sila
nakapag-aaral gamit ang paggalaw at paghawak sa mga gamit na makatutulong sana
sa kanilang pag-aaral.
16
TABLE
3.2 LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa KASARIAN.
LEARNING
STYLE ng BSA2A (lalake)
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
99
|
16%
|
Group
|
106
|
17%
|
Individual
|
114
|
18%
|
Kinesthetic
|
89
|
15%
|
Tactile
|
96
|
16%
|
Visual
|
109
|
18%
|
TOTAL
|
613
|
100%
|
CHART
1.3. LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa KASARIAN
17
Sa tsart ay makikitang 18% pareho ang nakuha ng learning style na Visual at Individual at
15% lang sa Kinesthetic; ang mga
kalalakihan ay mas nakapag-aaral gamit ang mga biswal at mas ninanais nila na
mapag-isa tuwing panahon ng mga pagsusulit at pagsubok. Hindi sila gaanong
nakapag-aaral gamit ang mga aksyon o paggalaw.
TABLE
3.4 LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa KASARIAN.
LEARNING
STYLE ng BSA2B (babae)
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
194
|
16%
|
Group
|
192
|
16%
|
Individual
|
220
|
19%
|
Kinesthetic
|
183
|
15%
|
Tactile
|
192
|
16%
|
Visual
|
202
|
17%
|
TOTAL
|
1183
|
100%
|
18
CHART
1.4 LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa KASARIAN
Sa tsart na ito makikitang 20% ang nakuha ng learning style na Individual at 15% lang ang nakuha ng Kinesthetic, ang kababaihan sa BSA2B ay mas nakapag-aaral nang
mag-isa na walang kasama o hindi nakikisama sa group study, sila ay hindi nakapag-aaral gamit ang mga aksyon o gestures.
19
TABLE
3.5 LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa KASARIAN.
LEARNING
STYLE ng BSA2B (lalake)
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
78
|
16%
|
Group
|
86
|
17%
|
Individual
|
97
|
19%
|
Kinesthetic
|
74
|
15%
|
Tactile
|
86
|
17%
|
Visual
|
82
|
16%
|
TOTAL
|
503
|
100%
|
CHART
1.5. LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa KASARIAN
20
Sa tsart ay makikitang 19% ang nakuha ng learning style na Individual at 15% naman ang Kinesthetic;
ang mga kalalakihan ay nakapag-aaral nang mag-isa, gusto nilang ilayo ang
sarili nila sa iba at mag-focus sa
kanilang sariling pagbabasa o pag-aaral; ngunit, hindi sila nakapag-aaral nang
may mga aksyon o galaw.
TABLE
4.1 LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.
LEARNING
STYLE ng Academic scholars ng BSA2A
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
179
|
15%
|
Group
|
204
|
17%
|
Individual
|
225
|
19%
|
Kinesthetic
|
186
|
15%
|
Tactile
|
189
|
16%
|
Visual
|
227
|
19%
|
TOTAL
|
1210
|
100%
|
21
CHART
2.1. LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.
Sa tsart makikita na 19% ang nakuha ng Visual learning style at 15% naman sa
parehong Kinesthetic at Tactile. Ang mga academic scholars ng BSA2A ay mas nakapag-aaral gamit ng mga biswal
ngunit hindi nakapag-aaral gamit ang mga aksyon o paggalaw at ang paghahawak.
22
TABLE
4.2 LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
LEARNING
STYLE ng Non- Academic scholars ng BSA2A
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
89
|
17%
|
Group
|
75
|
14%
|
Individual
|
99
|
19%
|
Kinesthetic
|
74
|
14%
|
Tactile
|
101
|
19%
|
Visual
|
81
|
16%
|
TOTAL
|
519
|
100%
|
CHART
2.2. LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
23
Sa tsart makikita ang distribusyon ng learning styles batay sa academic
performance. Dito ay nakakuha ng 20% ang Individual learning style at 14% naman ang Kinesthetic at Group. Ang
mga non-academic scholars ng BSA2A ay
mas nakapag-aaral nang mag-isa ngunit hindi sila nakakapokus kapag
nakapag-aaral kasama ang grupo at kung sila ay gumagamit ng mga aksyon o galaw
sa pag-aaral.
TABLE
4.3 LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.
LEARNING
STYLE ng Academic scholar ng BSA2B
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
5
|
8%
|
Group
|
10
|
16%
|
Individual
|
13
|
21%
|
Kinesthetic
|
10
|
16%
|
Tactile
|
10
|
16%
|
Visual
|
13
|
21%
|
TOTAL
|
61
|
100%
|
24
CHART
2.3. LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
Sa tsart makikita ang distribusyon ng learning styles ng nag-iisang academic
scholar sa seksyon B. Nakakuha ng 22% ang Visual
at Individual learning style at
8% lang sa Tactile. Ang respondent na ito ay mas nakapag-aaral
gamit ng mga biswal na nakikita at kung siya ay nag-iisa, samantalang hindi
siya nakapag-aaral gamit ang kaniyang sense
of touch o paghawak.
25
TABLE
4.4 LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE.
LEARNING
STYLE ng Non- Academic scholars ng BSA2B
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
285
|
17%
|
Group
|
285
|
17%
|
Individual
|
325
|
19%
|
Kinesthetic
|
257
|
15%
|
Tactile
|
275
|
16%
|
Visual
|
291
|
17%
|
TOTAL
|
1718
|
100%
|
CHART
2.4. LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
26
Sa tsart makikita ang distribusyon ng mga learning styles ng non-academic scholars ng BSA2B. Ang learning style na Individual ay
nakakuha ng 18% at 15% lang ang sa Kinesthetic.
Sila ay mas nakapag-aaral kapag mag-isa ngunit hindi sila mahilig sa
paggalaw o paggamit ng mga aksyon sa kanilang pag-aaral.
TABLE
5.1 LEARNING STYLES ng
mga BSA2A
LEARNING
STYLE ng BSA2A
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
273
|
15%
|
Group
|
289
|
16%
|
Individual
|
336
|
19%
|
Kinesthetic
|
270
|
15%
|
Tactile
|
300
|
17%
|
Visual
|
318
|
18%
|
TOTAL
|
1786
|
100%
|
27
CHART
4.1. LEARNING STYLES ng
mga buong BSA2A
Sa tsart makikita ang distribusyon
ng mga learning styles ng buong
BSA2A. 19% ang nakuha ng learning style na
Individual at 15% lang sa Kinesthetic at Tactile. Mas nakapag-aaral ang BSA2A nang mag-isa; hindi naman
sila nakapag-aaral gamit ang mga paggalaw o aksyon at hindi nila masyadong
ginagamit ang sense of touch o
pandama.
28
TABLE
5.1 LEARNING STYLES ng
mga BSA2B
LEARNING
STYLE ng BSA2B
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
272
|
16%
|
Group
|
278
|
16%
|
Individual
|
317
|
19%
|
Kinesthetic
|
257
|
15%
|
Tactile
|
278
|
16%
|
Visual
|
284
|
17%
|
TOTAL
|
1686
|
100%
|
CHART
4.1. LEARNING STYLES ng
mga buong BSA2B
29
Sa tsart makikita ang distribusyon ng mga learning styles ng buong klase ng BSA2B.
Ang learning style na Individual ay may 20% at 15% lang ang sa
Kinesthetic. Ang mga mag-aaral ng
BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa; nakapag-aaral sila nang walang tulong
sa ibang tao; ngunit sila ay hindi nakapag-aaral kung gagamit ng aksyon o
paggalaw.
30
KABANATA 5
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Buod
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa
upang malaman ang mga learning styles na
mayroon samga mag-aaral, ito ay ginamitan ng palarawang pamaraan na surbey. Ang
instrumentong ginamit ng mga researchers sa
pag-aaral na ito ay ang surbey o ang paggamit ng mga questionnaire. Ang unang
bahaging questionnaire ay ang pagkuhang personal naimpormasyon sa mga respondents at ang ikalawang bahagi
naman ay ang pag-alam sa mga learning
styles na mayroon ang mga mag-aaral, ito ay mga situational-based na mga pangungusap. Ang pagsagot ng mga respondents ay batay sa scale na 1- hindi, 2- hindi gaano, 3-
minsan, 4- kadalasan at 5- palagi.
Ang resulta ay ang mga sumusunod:
ang kababaihan ng BSA2A ay may learning
style na Visual (18%), sa
kalalakihan naman ay Visual (18%) at Individual (15%); ang may pinakamababang
antas na nakuha ay ang learning style
na Kinesthetic (15%) at Tactile (15%)
para sa mga babae at Kinesthetic
naman para sa mga lalake. Sa seksyon B naman, ang kababaihan ay may learning style na Individual (20%) ngunit mababa sila pagdating sa Kinesthetic learning style (15%); sa kalalakihan ay may learning style na Individual
(19%); Kinesthetic (15%) naman ang
pinakamababa.
31
Batay
naman sa academic performance, ang mga academic scholars ng BSA2A ay may Visual learning style (19%), sila ay mababa sa Kinesthetic (15%) at Tactile learning
style (15%). Ang mga non-academic scholars naman ay may learning style na Individual (20%) ngunit mababa sila sa Kinesthetic (14%) at Group
(14%). Sa academic scholar ng seksyon B, siya ay may learning style na Visual
(22%) at Individual (22%); mababa
naman sila sa Tactile learning style
(8%). Ang non-academic scholars naman ng nasabing seksyon ay may learning style na Individual (18%) ngunit mababa sila sa Kinesthetic na learning style
(15%).
Sa
kabuuan, ang mga mag-aaral sa BSA2A ay may learning
style na Individual (19%) at
mababa naman sila sa mga learning style
na Kinesthetic (15%) at Tactile
(15%); para sa BSA2B, gaya ng kabilang seksyon, may learning style rin silang Individual
(20%) ngunit mababa sa Kinesthetic
(15%).
Konklusyon
Napagtanto ng mga mananaliksik na
ang mga mag-aaral ng BSA2A ay mas nakapag-aaral kapag sila ay nag-iisa; kapag
sila lamang ang gumagawa ng paraan upang makapag-aral nang mabuti ngunit kulang
sila sa istilong ginagamitan ng mga aksyon o galaw at ang paggamit ng sense of touch. Sa BSA2B naman, sila ay
mas nakapag-aaral gaya ng BSA2A, nang mag-isa at hindi nakadepende sa iba;
hindi rin sila gaanong nakapag-aaral kung gagamit ng mga aksyon o galaw. Batay
sa kasarian, ang kababaihan naman ng BSA2A ay mas nakapag-aaral gamit ang mga
biswal; sa kalalakihan, nakapag-aaral din sila kapag nasusuportahan ang kanilang
pag-aaral ng mga biswal, sila rin ay nakapag-aaral nang mag-isa.
32
Ang
mga kababaihan at kalalakihan naman sa BSA2B ay mas nakapag-aaral nang mag-isa
at hindi nakakapokus sa grupo.
Batay
naman sa academic performance, ang academic scholars ng BSA2A ay nakapag-aaral
gamit ang mga biswal; ang non-academic scholars naman ay nakapag-aaral nang
mag-isa at sa tahimik na kapaligiran. Ang nag-iisang academic scholar naman sa
BSA2B ay nakapag-aaral gamit ang mga biswal at nakakapokus sa kaniyang pag-aaral
knug siya ay mag-isang nagsisipag; ang mga non-academic scholars naman ay
nakapag-aaral nang mag-isa na walang tulong sa iba.
Rekomendasyon
Ang mga sumusunod ay inirerekomenda
ng mga mananaliksik:
1. Para
sa mga mag-aaral na kasangkot dito, na ipagpatuloy ang mga paraan nila kung
saan sila mas kumportable.
2. Para
sa mga non-academic scholars, na subukin ang iba pang mga learning style na mas naaangkop at makatutulong sa kanilang
pag-aaral.
3. Para
sa mga guro, na maging gabay sa kanilang mga mag-aaral sa tamang mga paraan sa
pag-aaral.
4. Para
sa mga susunod na maniniliksik na nais bumuo ng pag-aaral na katulad nito, na
pumili ng mas malaking populasyon, maaaring sa loob o labas ng paaralan. Maaari
ring magdagdag ng iba pang baryabol katulad ng financial status ng magulang,
trabaho ng magulang, ethnicity at iba
pa.
33
APPENDIX
1
I. PROFILE NG MGA RESPONDENTS
TABLE
1.1 Distribusyon ng
mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2A
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
FEMALE
|
23
|
72%
|
MALE
|
9
|
28%
|
TOTAL
|
32
|
100%
|
TABLE
1.2 Distribusyon
ng mga kasangkot batay sa KASARIAN.
BSA-2B
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
FEMALE
|
21
|
68%
|
MALE
|
10
|
32%
|
TOTAL
|
31
|
100%
|
TABLE
2.1 Distribusyon ng
mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2A
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
ACADEMIC
SCHOLARS
|
23
|
72%
|
NON-ACADEMIC
SCHOLARS
|
9
|
28%
|
TOTAL
|
32
|
100%
|
34
TABLE
2.1 Distribusyon ng
mga kasangkot batay sa SCHOLARSHIP GRANT.
BSA-2B
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
ACADEMIC
SCHOLARS
|
1
|
3%
|
NON-ACADEMIC
SCHOLARS
|
30
|
97%
|
TOTAL
|
31
|
100%
|
TABLE
3.1 LEARNING STYLES ng
mga BSA2A batay sa KASARIAN
LEARNING
STYLE ng BSA2A (babae)
|
FREQUENCY
|
PERCENTAGE
|
Auditory
|
174
|
15%
|
Group
|
183
|
16%
|
Individual
|
222
|
19%
|
Kinesthetic
|
181
|
15%
|
Tactile
|
204
|
17%
|
Visual
|
209
|
18%
|
TOTAL
|
1173
|
100%
|
35
CHART
1.4 LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa KASARIAN
CHART
2.3. LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
36
CHART
2.4. LEARNING STYLES ng
mga BSA2B batay sa ACADEMIC PERFORMANCE
CHART
4.1. LEARNING STYLES ng
mga buong BSA2A
37
CHART
4.1. LEARNING STYLES ng
mga buong BSA2B
FIGURE
1. Hakbang ng Pag-aaral
>Unang Hakbang:
Pagbuo at pagwawasto ng talatanungan.
>Ikalawang Hakbang:
Aktwal na surbey:
Pagbigay ng mga questionnaire sa mga respondents.
|
>Ikatlong Hakbang:
Pag-aaral sa mga nakalap na datos.
>Ikaapat na Hakbang:
Pagtukoy sa mga learning styles ng mga mag-aaral.
|
38
APPENDIX
2
Isang
Surbey tungkol sa Learning Styles ng
mga Mag-aaral ng Accountancy
Kaugnay
ng mga Piling Baryabol.
Name:
Kasarian: ___lalake ___babae
Academic Standing ____academic scholar
____non-academic scholar
Seksyon___A ___B
Panuto:
Bilugan
ang kolum na napabibilang sa iyong sagot.
Ang scale ay: 1- hindi 2- hindi gaano 3- minsan 4-
kadalasan 5- palagi
1. Mas
nakapag-aaral kapag nakikinig ng radio kaysa sa panonood ng films o telebisyon.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
2. Nakikinig
ako sa musika sa radio, tape, CD at alam ko ang mga tono ng iba’t ibang
kanta.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
3. Nakikinig
ako sa musika habang ako’y nag-aaral.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
4. Mas
pinipili ko ang group sports gaya ng volleyball/basketball kaysa sa solo
sports gaya ng swimming/jogging.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
5. Hilig kong
turuan ang ibang tao o grupo ng aking mga alam tungkol sa mga asignatura.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
6. Ako ay
isang lider.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
7. May mga opinyon ako na iba sa aking
mga kaklase.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
8. Mayroon
akong natatanging gawain sa pag-aaral na hindi ko ipinapaalam sa iba.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
9. Iniisip ko
ang mga pangarap ko sa buhay.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
10. Hilig kong
magsagawa ng mga gawain na sinasanay ang aking kamay katulad ng pagtatahi, carving, carpentry.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
11. Gumagamit
ako ng hand gestures kapag
nakikipag-usap sa iba.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
12. Hilig kong
gumawa o umimbento ng mga reviewer para sa aking pag-aaral.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
13. Sa
paaralan, English, Social Studies at History ay mas madali kumpara sa Math at
Science.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
14. Kailangan
ko munang hawakan ang isang bagay upang mas malaman at maintindihan ko ito.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
15. Mahilig
akong gumawa ng mga eksperimento na nauukol sa aking pag-aaral.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
16. Sensitibo
ako sa kulay na nakikita ko.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
17. Mahilig
akong mag-isip ng mga logical sequences
kapag may nakikita akong mga problema sa pisara.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
18. Mas gusto
kong babasahin ang madami ang mga ilustrasyon.
|
5
|
4
|
3
|
2
|
1
|
Pagkatapos ay i-total ang sagot sa 1-3, 4-6, 7-9,
10-12, 13-15, 16-18
1-3:_____ 4-6:_____7-9:_____10-12:_____13-15:_____
16-18:_____
40
BIBLIOGRAPHY
Damaso,
L.L (1981). Effects of a proposed program
of group learning strategies on the study habits and attitudes of freshmen
college students.
Gonzalvo,
R. P. (2011). Masining na
pakikipagtalastasan para sa akademikong Filipino: Batayang aklat sa Filipino 1
– antas tersarya.
Ramirez
(1967). Non-intellective factors in high
school academic achievement of high-ability students.
Rodrigo,
M. C. (2009). Komunikasyon sa akademikong
Filipino: Filipino 1, p. 171-172, 185-186.
Tilan,
L. B. (2003). Effects of small-group
activities on the Mathematics achievement and attitude of the third year high
school students.
Tomas,
V. S. (1980). The relationship of
academic achievement, study habits and attitudes, self-concept, and mental
ability of the Nueva Vizcaya State Institute of Technology High School (Main)
Students.
41
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)