Lunes, Nobyembre 4, 2013

Hinagpis

Hinagpis
rcgauuan

makailang ulit kong dinampian 
nitong malalamig kong kamay
ang ýong likod
habang luha koý dumaloy
at mga munting patak nitoý
dumampi sa laylayan ng iyong damit...

ngunit kusang naglaho.

at isang habang pang
pilit ko sanang pipigilan...
ngunit hindi ko kayang hadlangan

dahil ang ýong patunguhan
ay ang pangarap na 
nais mong mapagtagumpayan..

sanaý wala na lang hinagpis
nang di ko maalala 
ang mapapait na 
pamamaalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento